Joined 👉#burnsteem25 | The Diary Game Season 3 [06-05-2022] || Isang Napaka Memorable Event na nangyari sa aming mga Kabataan - "Ready Set Love" Event 🥰❤️😇

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Ang nagdaang linggo ay masasabing kong isa na naman sa pinakamasaya at memorable hindi lang para sa akin kundi para sa lahat ng mga kabataan sa aming Simbahan dahil sa mga nangyaring event sa amin kung kaya para sa araw na ito, ibabahagi ko ito sa inyong lahat at sana ay inyo itong magustohan, ang lahat ng ito ay para sa tulong ng Dios.

20220606_233157.jpg

Sinimulan ko ang na linggong ito sa aming pagsamba sa Dios at higit sa lahat ito ang pinaka impotanting kaganapan sa akin at sa aming lahat dahil araw ito ng aming pagbibigay papuri't pagsamba sa Dios.

Ang aming pagsamba sa Dios ay nagsimula mga nasa oras na 8:00 ng umaga at sinimulan namin ito ng aming Sunday's School at ako mismo ang naka assign na magbahagi ng mga lessons linggo-linggo. Pagkatapos ng Sunday's School ay tuloy-tuloy na ang iba pa naming mga gawain ng aming pagsamba. Sa bawat pagsamba nga namin sa Dios ay isa nga sa pinaka impotanting bahagi ay ang Salita ng Dios, at sa araw na ito ang nagbahagi ay ang aming Senior Pastor na si Pastors Dodz. Mga nasa oras na 11:50 na iyon ng umaga kami ay natapos at pagkatapos nga ay nananghalian na kami para makapag handa na rin sa aming event kinahaponan.

Pagsapit ng hapon ay naging abala na kaming lahat lalong lalo na ang aming mga kabataang nga babae sa paghahanda dahil nga kailangan pa nilang mag make up habang kaming mga lalake ay madali lang natapos. Mga ilang oras din silang natapos sa kanilang pag-aayos at mga nasa oras na 2:30 na iyon naa kami naka alis papunta sa venue dahil din sa ulan medyo natagalan kami.

IMG_20220605_145938_365~2.jpg

Nasa halos 3:00 ng hapon na iyon nakarating kami sa venue at dahil nga din sa kami ni Pastora @emzcas ang naka assign na mag host agad-agad kaming naghanda para makapagsimula na kami sa aming event sa araw na ito. Medyo nangangapa pa kami ni Pastora dahil first time pa namin itong mag host ng ganitong event pero alam naming tutulongan kami ng Dios upang maayos ang lahat.


Mga 3:00 ng hapon na kami nakapagsimula noon at sinimulan namin ito sa isang processional na kung saan ang merong magkaparihang maglalakad papunta galing sa labas papasok ng venue at kitang kita talaga na pinaghandaan ito ng mabuti ng bawat isa at ang ganda talaga ng mga kasuotan nila na para bang mga Prince at Princess kung kaya sa katapusan ng event na ito ay merong mga Award na ipamimigay.


Pagkatapos ng processional ay marami pang mga ibang part ng program ang nangyari tulad na lamang ng pagbabasa namin ni Ptra Jetma ng Love Verses at isang Love Testimony na ibinahagi ng isa sa aming bisita na kitang kita naman kinilig ang mga kabataan. Sa event ding ito, ang pinaka highlight at pinakahihintay ng lahat ay ang pagbahagi ng aming mga speakers ng tatlo sa pinaka impotanting topic na dapat malaman ng lahat lalong lalo na ang mga kabataan. Meron kaming tatlong speaker na nagbahagi ng tungkol sa "Love, Courtship and Marriage". Ang tatlong topic na ito ay totoong napaka importante dahil isa ito sa nagiging issue ng mga Youth at ang mga bagay na ito ay hindi pero dahil panghabang buhay ito. Salamat sa Dios dahil naging maayos ang pagbahagi ng tatlo naming speakers at tiyak na maraming natutonan ang bawat isa.

received_1092361764996624.jpeg


Mga nasa oras na 6:00 ng gabi natapos ang mga lectures at sinundin ito agad-agad ng aming haponan dahil libre lang ito hatid ng aming mga sponsors at dahil meron pa kaming ikalawang bahagi ng program binigyan lamang namin ng mga 30 minuto ang lahat upang makakain.

Pagkatapos na makakain ang lahat at dahil meron pa din namang oras na natira bago magsimula ang ikalawang bahagi, kinuha namin ito na oras upang kami ay mapag picture taking sa aming stage decorations na masasabi naming pinagdadaanan ng mabuti at talaga namang maganda. Kailangan talagang makapag picture taking kami dahil minsan lang ito mangyayari sa aming lahat at isa din ito sa pinaka special na event para sa aming lahat.

received_1162317081002724.jpeg

Mga 7:20 na iyon ng gabi ng nakapagsimula kami sa aming part 2 na kung saan merong mangyayaring maikling Search for Prince and Princess of the Night at ang mga Start for the Night. Meron kaming inatasan na Judge habang tinatawag namin ang mga Youth by pair isa sa mga girls at isa sa mga boys at sila na dalawa ang bahala na mag pose o itsora nila papunta sa gitna dahil yon ang hinahanap ng mga judge. Medyo natagalan nga ang aming Search dahil din sa medyo marami ang mga sumali sa event na iti lalong lalo na ang girls at dahil kulang ang mga boys at wala ng kaparehas ang mga girls, inulit na lang namin ang ilan sa mga boys para meron namang partner ang mga girls na natira.

Mga nasa oras na 8:50 na iyon natapos ang aming Search at naging abala na ang mga judges sa pag compute kung sino ang mananalo. Hanggang sa umabot na rin tayo sa exciting part mga nasa 9:30 na iyon ng gabi at malalaman na natin ang result ng aming munting Search. Naging excited na ang lahat dahil medyo matagal din ang paghihintay, kaya ilang saglit lang ay tinawag na namin ang mga naging Prince and Princess of the Night at ang mga Star for the Night at meron ding mga Special Awards na ipinamigay.

Mga halos 10:00 na iyon ng gabi kami natapos at salamat sa Dios dahil naging successful ang aming event sa gabing ito na bagamat merong iilang mga aberya lalo na sa amin ni Ptra Jetma dahil first namin ito, sa tulong ng Dios ay naging maayos naman ang lahat at naka uwi kami ng maayos at masaya sa aming mga bahay-bahay.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

25% of the payout of this post goes to @null

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  

Congratulations your post has been curated by Industrious seven. Keep posting quality content on steemit.

account handled by @vvarishayy

 2 years ago 

Thank you very much.. 🥰😊

 2 years ago 

Hanga akp sa serbisyop.pafa sa gaesin mh Diyos.

 2 years ago 

You look good kuya. 😎😎

 2 years ago 

Galing ng grupo mo at angasigasig niyong pagpalaganap ng salita ng Diyos. God bless you more.

 2 years ago 

Basta ako maghulat ko balita hahaha

 2 years ago 

Hahahah...

 2 years ago 

kanindot uy ganahan sad ko mag in ani na event.lain lain churches ni pastor or kamo ra? nag prepare jd ang mga babae oh!

 2 years ago 

Mga 5 or 6 ka church ate...para maka meet and greet pud ang mga youth ba...murag J.S Prom jud sya...

 2 years ago 

Nice kaayo na activity para sa mga batan on.