The Diary Game Season 3 [05-11-2022] || Isa Na Namang Masayang Pagdiriwang Ng Ika-25 Kaarawan Ng Isa Sa Aming Youth 🎂🎉🥳

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Maraming mga magagandang pangyayari sa ating buhay ang dapat nating ipagpasalamat sa Dios dahil sa walang sawang pagmamahal Niya sa atin sa bawat araw na nagdaan, papuri't pagsamba ay para sa Dios lamang.

Sa araw nga na ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang nagdaang selebrasyon namin ng ika-25 kaarawan ng isa sa aming Youth na si Jee Ai na isinagawa sa isang beach dito sa amin.

20220510_182203.jpg

Ang aming selebrasyon nga ng isa sa aming Youth ay isinagawa namin sa isa Beach na malapit lang sa amin at nangyari ito mga nass oras na iyon na 2:00 ng hapon dahil sa umagang iyon ay ang aming Pagsamba sa Dios at nag prepare din kami sa aming mga gagawin at mga dadalhin.

IMG_20220508_174138_555~2.jpg

Bago nga kami pumunta doon sa beach ay nagpunta muna kami doon sa market para makabili ng ilan sa aming mga lulotuing nga pagkain tulad na lamang ng mga Isda at karning baboy na iihawin namin. pagkadating namin doon sa beach ay bumongad sa amin ang ganda ng tanawin sa karagatan kaya hindi namin ito pinalampas at kumuha kami ng mga larawan dito.

Pagkatapos na makakuha ng ilang nga larawan ay inasikaso na din namin ang mga binili namin at agad din namin itong niluto habang ang iba naming mga kasama ay nag-aayos sa mga naluto na naming pagkain dahil kami ngayon ay mag bo.boodle fight. Maraming pagkakataon na namin itong ginagawa kaya nagpapasalamat ako sa Dios muli na naman namin itong magagawa.

Mga nasa oras na 3:00 kami noon nag simula sa aming pag iihaw dahil inasikaso pa namin ang iba pa naming mga handa at mga nasa oras 5:00 na iyon nang matapos kami, kaya ipinagpatuloy din ang pag-aayos ng mga pagkain na naluto na sa lamesa kung saan kami mag bo.boodle fight. Ilan nga sa mga handa namin ay, ang mga inihaw na Isda na Bangus at tinatawag din sa amin na Pidlayan, meron ding inihaw na karneng baboy, at hindi mawawala sa tuwing merong kaarawan dito sa amin ang itlog dahil kung ilang taon kana ay yon din ang dami ng itlog na lalagain.

Syempre hinding hindi mawawala sa bawat selebrasyon namin ang pagbigay dalangin at mga declaration sa aming celebrant at pinangunahan ito nang aking tiyahin na si Mamason.

Ngayon handa na ang lahat ng aming mga pagkain at natapos na din na makapagbigay panalangin ang aking tiyahin sa aming birthday celebrant at sa mga pagkain kung kaya oras na din upang kami ay maka kain pero bago kami kakain ay kumuha muna kami ng nga larawan naming lahat kasa ang birthday celebrant at ang mga pagkain na naka handa.

IMG_20220508_175709_902~2.jpg

Isa din sa hindi mawawala sa isang birthday celebration ay ang birthday cake, at ngayon nga ay merong biniling cake si sir @dan.yap at tignan niyo naman ang cake, sobrang gandang tignan at iligante.

IMG_20220508_180820_525~2.jpg

Ngayon naman ay oras na upang makapag wish at makapag blow the candle ang aming birthday celebrant. Mga nasa oras na iyon na 6:00 ng gabi kaya medyo madilim na din at mas naging maganda ang pagkaka kuha dahil medyo madilim na at ang ilaw ng kandila ang nagpa ilaw.

Sa wakas dahil medyo gabi na din at gutom na kaming lahat kung kaya oras na upang kami ay makakain na rin ng aming haponan at malalaman na rin namin kung gaano ka sarap ang aming nahanda. Nagpapasalamat talaga kami sa Dios dahil sa naging matagumpay ang aming selebrasyon.

Natapos kaming maka kain mga nasa 7:00 na iyon ng gabi at gusto sana namin maligo pero sobrang gabi na kaya nag relax na lang muna kami doon at mga nasa oras na 8:30 ng gabi ay umuwi na din kami sa aming mga bahay ay salamat sa Dios dahil ligtas kaming lahat na naka uwi.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago 

aguy kalami sa isda sinugba uy... makagutom jd na basta makaon sa dagat dapit

Congratulations! Your quality content qualifies the Steem Global Curators guidelines.

Your post is upvoted using the @steemcurator06 account by @juichi. Continue making quality content for more support.