The Diary Game Season 3 [05-20-2022] || Ang Nangyaring Prayer and Fasting para sa Gagawin naming Evangelism 🙏😇☺️

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Ang buhay natin sa mundong ito ay talagang pansamantala lamang at ang tanging pag-asa lamang natin habang tayo ay nabubuhay kung kaya panatilihin natin ang ating pagmamahal at pananampalataya sa Dios.

Para sa araw na ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang nangyaring gawain namin para sa Dios, ito ay ang Prayer and Fasting na kung saan ginawa namin ito ubang maging successful ang gagawin naming Evangelism kinabukasan sa Barangay na ito, sa Patag Manticao.

20220521_222250.jpg

Dito nga sa aming Section ng aming District ng aming Simbahan, isa nga ako sa mga leader at ito ay sa Circuit 2. Buwan-buwan nga ay meron kaming gawain kung saan sa buwan na ito ng Mayo ay magaganap sa dalawang araw, ang unang araw ay ang Prayer and Fasting at ang ikalawang araw ay ang Evangelism. Una kung ibahagi ay ang naganap na Prayer and Fasting.

Mga nasa oras na 8:00 ng umaga ay naka handa na ako para sa gawain na ito at hinihintay ko na lang na makarating ang iba ko pang mga kasama at mga nasa oras na iyon na 8:30 nakaalis na rin kami papunta Barangay na kung saan kami mag Prayer and Fasting. Mga nasa 9:00 na iyon nakarating na rin kami at agad-agad din ay sinimulan na namin ang aming gawain at ang aming emcee ay si Ptr @quilvz.

Sinimulan ito ni Ptr Quilvz ng mga pagsamba sa Dios at pag welcome na din sa bawat isa na sumali sa gawain na ito at agad-agad din ay sinundan ito ng mga pagbibigay pasasalamat sa Dios at papuri't pagsamba sa pamamagitan ng mga pagkantanat pagsayaw sa Dios.

Mga nasa oras na iyon 10:00 ng umaga natapos din ang Praise and Worship at agad din naming simulan ang pagbahagi ng mga Salita ng Dios at para sa umagang ito merong dalawang magbahagi ng mga Salita ng Dios at meron ding dalawa na naka assign na kung saan sila ang mag lead aa pagdarasal.

Sa umaga ngang ito, ay ang unang naka assign na magbahagi ng mga Salita ng Dios ay si Maam Zamairah na kung saan ibinahagi niya ang kung paano natin ma overcome ang mga gawa ng kaaway sa ating buhay at ang lahat ng ito ay magagawa natin sa tulong lamang ng Dios. Pagkatapos na makapagbahagi ng mga Salita ng Dios si Maam Zamairah ay sinundan din ito ng mga prayer concerns namin at ito ay sa pang Internation issues na nangyayari sa atin tulad na lamang ng nga gulo sa Russia at Ukraine, Covid at marami pang Internation issues.

Ang ikalawang nagbahagi ng mga Salita ng Dios ay si Ptr @quilvz at talaga namang nabuhayan ang aming mga sarili dahil sa pagiging magiliw niya habang nagbahagi pero syempre higit sa lahat ang mga natotonan namin sa mga Salita ng Dios na kanyang ibinhagi na kung saan ito talaga ang napaka importante. Kasunod din ng pagbahagi ng mga Salita ng Dios ni Ptr. Quilvz ay ang iba na naman naming mga prayer concerns at sa pagkakataong ito ay sa National issues na naman ito lalong lalo na sa mga bagong na elect natin ngayon na mga leaders sa ating Bansa na kailangan talaga ng mga dasal upang makapaglingkod sila sa bayan ng may takot at pananampalataya sa Dios.

Mga nasa oras na iyon na 11:50 natapos ang pang umagang gawain namin at nag break muna kami para makapagpahinga dahil nga fasting kami ngayon wala kaming pananghalian pero pagkatapos ng gawaing ito mga 5:00 ay matatapos na rin ito at pwede na kaming kumain, kaya habang naka break kami ay nagpunta muna kami sa market upang mamili ng aming kakainin pagkatapos ng gawaing ito , ang aming lulutoin ay Arozcaldo.

IMG_20220520_130953_798~2.jpg

Natapos na din kaming namili ng aming mga lulutoin at nakabalik din kami mga nasa oras 12:40 at agad-agad din ay sinimulan na namin ang panghapon naming gawain. Sa hapon nga ay meron ding dalawang magbahagi ng mga Salita ng Dios at meron din sa mga prayer concerns.

Ang una ngang nagbahagi sa hapon ay si Ptra Jetma @emzcas. Salamat sa Dios dahil akmang akma ang kanyang ibinahagi para sa gagawin namin kinabukasan dahil nagpapa-alala ito sa amin na dapat maging flexible kami na kahit na sino pa ang aming ma encounter pero hindi ibig sabihin na kung ano ang gagawin nila ay siya din din ang gagawin namin dapat ay hihingi pa rin tayo ng tulong sa Dios kung ano at paano ito magagawa ng mabuti. Pagkatapos din ni Ptra Jetma na makapagbahagi ay sinundan din ito agad-agad ng mga prayer concerns namin para naman sa Local issues dito sa aming Lungsod at Barangay dahil bago din ang mga leaders namin ay kailangan talaga ng mga dasal upang maging maganda ang kanilang leadership.

IMG_20220520_140244_147~3.jpg

Ang huling nagbahagi naman sa gawain namin sa hapon ay ako na kung saan ibinahagi ko sa kanilang lahat ang tungkol sa Godly Worship o mga paraang kung paano tayo makapagsamba sa Dios. Isa nga itong pagpapaalala sa aming lahat at ma evaluate din ang bawat isa sa aming kung totoo ngaba kaming napagsamba sa Dios. Ang totoong pagsamba sa Dios ay yong pagsamba natin sa Dios sa Esperitu at sa Katutuhanan at magagawa lamang natin ito sa tulong ng Balaang Esperitu. Marami pang mga paraang at sa tulong ng Dios ay malalaman at magagawa natin itong lahat.

IMG_20220520_154731_801~3.jpg

Ngayong natapos na din ako sa pagbahagi ko ng mga Salita ng Dios oras na din ng aming mga prayer concerns at sa pagkakataong ito ay tungkol na sa mga personal prayer request at dahil meron kaming na lista na umabot sa 25, nag tawag kami ng isang representative sa bawat church na nandooon at umabot sa 8 kaya bawat isa sa kanila ay tag tatlo at meron din apat. Tinawag namin sila bawat isa at doon sunod-sunod silang nagdasal sa kung anong naka assign sa kanila.

IMG_20220520_163126_611~3.jpg

Ngayon natapos na din ang 8 na naka assign sa huling mga prayer concerns namin at syempre hindi namin kinalimutan ang pagdarasal sa gagawin namin kinabukasan dahil kung wala ang tulong ng Dios ay hindi namin ito magagawa ng mabuti.

Mga nasa oras. 5:00 na iyon ng hapon at salamat sa Dios dahil natapos ang aming gawain sa araw na ito ng mabuti at walang kahit na anong masamang nangyari dahil nandiyan ang Dios na nagbigay sa amin ng lakas at magandang pangangatawan. Oras na din upang makakain na kami dahil natapos na din ang aming fasting, at salamat din dahil merong nagluto ng aming binili na anak ng Pastor doon kaya hindi na kami naging abala sa pagluluto. Pagkatapos naming kumain ay unti-unti na din kaming umuwi sa aming mga bahay ng ligtas at masaya, salamat sa Dios.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  

Congratulations!

Your quality content qualifies the Steem Global Curators guidelines.

PicsArt_05-07-08.12.13.jpg

Your post is upvoted using @steemcurator06 account by @baycan. Continue making quality content for more support

 3 years ago 

Thank you very much @baycan and God Bless. 😇

 3 years ago 

active kau mo pas.. God bless!

 3 years ago 

Glory to God ate. 🙏😇