The Diary Game Season 3 [05-25-2022] || Ang Aming Matagumpay na Evangelism sa Patag Manticao - Salamat sa Dios 🙏😇☺️
Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!
Naibahagi ko nga na naging matagumpay ang ang aming Prayer and Fasting bilang paghahanda namin sa gagawin naming Evangelism kinabukasan sa isang Barangay dito sa aming Lungsod at ito ay sa Patag Manticao.
Ngayon nga ay, ibabahagi ko sa inyo ang naging matagumpay naming Evangelism sa Patag Manticao bunga ng aming Prayer and Fasting.
Ang aming Evangelism ay nangyari noong nagdaang Sabado, Mayo 21, 2022 sa Patag Manticao at nag schedule kami na magsimula mga 9:00 ng umaga. Mga nasa oras 6:00 nga ay naghanda na ako, mula sa aking pagluluto ng aming agahab hanggang sa pagbihis, nasa mga oras na 8:00 ng umaga na din ako naka alis sa amin at pumunta na dij doon sa venue kasama si Ptra @emzcas at isa pa naming youth na si Jicel.
Nakarating din naman kami doon mga nasa oras na 8:40 na ng umaga at medyo kaunti pa lang ang nandoon na kasama naming mga youth kaya naghintay muna kami hanggang mga 9:30 ng umaga hanggang sa umabot na sa oras sinimulan na namin habang naghihintay kami sa iba na makarating. Mga nasa oras na 10:00 na iyon ng umaga na completo na rin kami at syempre siminulan namin itong lahat sa pamamagitan ng mga dasal sa Dios upang bigyan niya kami ng lakas at wisdom upang maibahagi namin ng mabuti ang nga salita ng Dios.
Sinimulan na din namin agad-agad ang aming Evangelism matapos ang aming pagdarasal sa Dios at ako mismo ang nag assign sa bawat grupo kung saan sila banda at dahil meron kaming limang grupo naging mas maganda dahil marami kaming grupo at mas marami ang aming mabahagihan ng Salita ng Dios.
Sa aking ngang grupo ay meron lamang kaming 4 na bahay na napuntahan at karamihan sa kanila ay mga matatanda at merong mga sakit. Ang unang bahay ay mga nasa edad na 58 na sya at medyo meron na ding nararamdaman sa katawan, at nagpapasalamat ako sa Dios dahil habang nagbahagi ako ay talagang nakikinig siya sa akin at huling bahagi ay nagbahagi din ako nag dasal sa kanya at sa kung ano man ang kanyang nararamdaman.
Ang kasunod na bahay ay hindi kami tinanggap pero okay lang na kahit hindi kami tinanggap pero nagpatuloy pa rin kami. Sa kasunod na bahay naman ay isang matanda naman na makikita ko talaga na meron siyang sakit dahil sa kanyang mga kilos dahil nakikita ko na na-stroke siya. Ang nagbahagi sa kanya ng mga Salita ng Dios ay ang isa sa aking kasamang youth na si Rose at talaga namang nakikita namin na nakikinig si Nanay sa kabila ng kanyang kalagayan kung kaya matapos ang pagbahagi ni Rose ay nagbahagi din kami ng mga dasal sa kanya at sa tulong ng Dios ay kung ano man ang kanyang nararamdaman ay mawawala.
Sa kasunod na mga bahay ay hindi na kami naka kuha ng mga larawab dahil sinabihan kami ng mga nagbahagihan namin na huwag silang konan ng larawan at para sa pag respito sa kanila ay hindi na namin sila kinunan ng larawan.
Mga halos dalawang oras din ang aming Evangelism at mga nasa oras na 11:40 na iyon ng makabalik kami sa Simbahan. Nagpahinga muna kami kaunti at ilang saglit lang ay sinimulan na din namin ang aming maikling evaluation sa nangyaring Evangelism. Dahil nga sa marami kaming lahat, nagtawag na lang kami ng isang representative sa bawat grupo at dahil limang grupo kaming lahat, lima din ang nagbahagi ng mga experience nila sa Evangelism. Nagpasalamat talaga kami sa Dios dahil sa nga narinig namin sa limang representative na kahit maraming mga rejections ay nagpatuloy pa rin.
Ngayong malapit nang matapos ang aming gawain at natapos na rin na makapagbahagi ang lahat ng mga representative ng bawat grupo, bilang remembrance ng bawat isa grupo sa nangyaring Evangelism, nagpa picture muna kami bawat grupo at salamat talaga sa Dios sa bawat grupo na ito.
Ngayon naman bilang huling bahagi ng aming gawain ngayon ay hiningan namin ng mensahe ang Host Pastor ng Church na ito at panghuli ay nagpa picture na din kaming lahat kasama na ang host Pastor.
Isang napakagandang experience na naman ang nangyari sa akin at sa aming lahat lalong lalo na sa mga youth at ang lahat ng ito ay para sa Dios lamang.
Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝
Mabuhay ang Steemit Philippines Community
@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter
praise God pastor.. active kau ang mga youth...
Oo ate, grabe ka dasig...
Wow! This is so amazing pastor. Kami din may activity kami sa church. District congress sa june