The Diary Game Season 3 [07-14-2022] || Ang aming Follow Up Visitation sa mga dating Church Members sa Patag Manticao. 😇 👉 #BurnSteem25

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Sadyang napaka buti ng Dios sa ating mga Buhay dahil sa lahat ng panahon ay nandiyan lamang Siya handang tumulong at umalalay sa atin at sa kahit na ano mang mga gawain ay palagi lang Siyang nagbibigay sa atin ng lakas.

Sa post kung ito ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang nagdaang follow up visitation namin sa mga dating Church Members sa church na nandoon sa Patag Manticao.

Screenshot_20220718-213343.jpg

Ang aming unang linggo nga bilang mga bagong workers dito sa Church sa Patag Manticao ay naging isang matagumpay bagamat wala pang mga dating members ang bumalik sa Church pero salamat sa Dios dahil nagpatuloy pa rin ang aming gawain at aming pagsamba sa Dios.

IMG_20220714_103600_692~2.jpg

Ngayon nga ay nasa ikalawang linggo na kami at napag desisyonan na tuwing huwebes ay magsasagawa kami ng house visitation lalong lalo na doon sa mga dating membro at nagpapasalamat kami sa Dios dahil sa patuloy na pagbibigay sa amin ng lakas para magawa ang gawaing ito.

Mga nasa oras na 8:00 ng umaga ay umalis na ako sa aming bahay para kunin ang mga kasama ko sa gawaing ito para sa Dios na sina Ptra @emzcas at Ptr @quilvz at mga nasa oras na 9:00 ng umaga nga ay nakarating na rin kami sa Church sa Patag. Nag hintay pa kami kaunti dahil meron pa kaming mga kasama, 9 nga kaming lahat na workers dito.

Mga 9:30 nakatanggap kami ng mensahe na hindi mona makakarating ang mga kasama naming workers dahil meron pa silang gagawin kung kaya kami na lang munang tatlo ang mag visitation sa mga dating mga members.

Sa unang bahay nga na napuntahan namin ay walang tao sa kanila kaya kung kaya magpatuloy kami sa ibang bahay at salamat sa Dios dahil sa pag punta namin ay merong tao at nandoon ang taong gusto naming makita.

Dito nga ay nandito din ang kapatid na lalake ni Nanay at salamat sa Dios dahil nakinig din silang lahat sa amin. Agad din namin silang kina musta sa kanilang mga buhay ngayon. Hindi din namin pinalampas ang pagkakataon na makapagbahagi ng mga Salita ng Dios sa kanila na makakapagbigay pag-asa sa kanila. Nagpapasalamat talaga kami sa Dios dahil taus puso silang nakinig sa amin at ang Dios ang Siyang makikipag usap sa kanilang mga puso.

Mga ilang minuto din kami doon at noong malapit na kaming matapos ay nag-alay muna kami ng mga dasal kay nanay dahil sabi nga niya ay medyo nahihirapan na siyang mag lakad. Doon nga ay si Ptr Quilvz ang siyang nag-alay ng mga dasal dahil higit sa lahat nasa Dios lamang ang totong kagalingan. Nag alay din kami ng mga dasal sa mga kapatid ni Nanay dahil sabi nga nila na nagbabyahe sila kaya, nag alay kami ng dasal na palagiang pagbibigay sa kanila ng proteksyon sa bawat byahe nila.

IMG_20220714_115730_233~2.jpg

photocollage_2022718214315443.jpg

Dahil nga sa meron din akong importating gawin pagka hapon, napag desisyonan namin na ito munang bahay ni Nanay ang huling bibisitahin namin at mga nasa oras na 11:30 na iyon ng umaga.

Dahil malapit na din namang magtanghali at medyo gutom na din kami, kung kaya pumunta na lami sa isang kilalang Restaurant dito sa amin at ito ay ang Yahong para doon kami makapag pananghalian. Dito ay nag order kami ng fried chicken, lumpia at marami pang iba, at meron ding Halo-Halo na talagang nakakawala ng init ng panahon. Talagang busog na busog talaga kami at salamat sa Dios dahil dito.

Pagkatapos naming maka kain ay umuwi na din kami sa aming mga bahay-bahay dahil meron pa din kaming kailangan gawin at naka uwi kami ng maayos at ligtas. Salamat sa Dios dahil naging matagumpay ang gawain namin sa araw na ito.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

25% of the payout of this post goes to @null

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago 
DetailsRemarks
#steemexclusive
Club Status#club75
Plagiarism Free
Bot-Free
At least 300 Words
Delegator
Verified Member/Visitor

Congratulations, your post has been upvoted by @scilwa, which is a curating account for @R2cornell's Discord Community. We can also be found on our hive community & peakd as well as on my Discord Server

Manually curated by @abiga554
r2cornell_curation_banner.png

Felicitaciones, su publication ha sido votado por @scilwa. También puedo ser encontrado en nuestra comunidad de colmena y Peakd así como en mi servidor de discordia

 2 years ago 

Thank you. 😇