The Diary Game Season 3 (09-08-2021) | Ang Araw nang aming Pagbahagi nang Salita nang Dios hanggang sa Bonding Moments namin sa Dagat.

in Steemit Philippines3 years ago

Isang Mapaya at Mapagpalang Araw sa ating lahat dito sa ating Steemit Philippines Community!!!

Isa namang napaka gandang araw ang nakalipas sa akin at sa ating lahat na ating ipagpasalamat sa Dios dahil sa walang sawang pagbibigay sa atin nang lakas at magandang pangangatawan. Sa araw na ito, iababahagi ko sa inyong lahat ang panibagong araw nang aming pagbahagi nang salita nang Dios dito sa aming barangay hanggang sa pag bonding namin sa dagat, kasama kaming lahat nang mga kabataan dito sa aming simbahan.

image.png

image.png

Nag simula nga ang araw kung ito nang mga nasa oras na 5:00 nang umaga sa pagka gising ko at agad-agad din naman akong nag luto upang makapag handa na para sa aking gagawin sa araw na ito. Mga nasa oras na 7:30 nang umaga naman ay kumain na kami nang aming panang agahan, at pagkatapos ay naligo na at nag bihis para maka alis.

Mga nasa oras na 8:30 ay angpunta nakarating na rin kami sa aming simbahan dahil doon kami magkikita kita nang aking mga kasamahang kabataan sa aming simbahan at mga nasa oras na 9:00 nang umaga ay na kompleto na rin kaming lahat at naghahanda nang umalis para makapag simula na kami sa aming pagbabahagi nang salita nang Dios.

Sa aming misyon nga sa araw na ito ay kaming dalawang leader na nag dadala sa mga kabataan ang nagplano nito ay salamat sa Dios dahil naging maganda naman ang response nang mga kasama naming kabataan at sumama sa amin. Sa araw nga na ito ay nasa limang bahay ang aming napuntahan at sa bawat bahay ay iba-iba ang nagbahagi nang salita nang Dios, at kaming mga leader ay nak monitor lang sa kanila at kung sakali na medyo hindi nila magawa ang ipinapagawa sa kanila ay kami na rin ang sumasalo at nagpapatuloy.

Laking pasasalamat namin sa Dios dahil naging maayos naman ang aming misyon sa araw na ito dahil ang lahat nang mga bahay na napuntahan namin ay naging maganda ang kanilang pagtanggap sa amin, lalong lalo na sa salita nang Dios at ang tanging dalangin lang namin ay makuha at naintindihan nilang mabuti ang mga salita nang Dios. Higit sa isang oras din kami na nagbahagi nang salita nang Dios at mga nasa oras na 11:55 ay nagpasya na kaming umuwi para makapag pahinga at makapag handa sa aming pagba-bonding at pagliligo sa dagat.

Nakarating kami sa aming simbahan nang mga nasa oras na 12:20 na kaya nananghalian muna kami bago kami magsimulan mag luto nang mga dadalhin naming mga pagkain sa dagat.

image.png

Mga nasa oras na 1:15 nga ay natapos nang maluto ang kanin na dadalhin namin sa dagat at bibili nalang kami nang mga uulamin namin doon na karne nang baboy at isda na iihawin nalang namin para madaling maluto. Nakarating na din kami sa dagat nang mga nasa oras na 1:50 na nang hapon at pagkadating namin doon ay talagang nakakawala nang pagod ang simoy at lamig nang hangin dahil nga sa kaninang umaga ay grabe ang init nang panahon.

Pagdating din namin ay medyo nag lalaru muna kami dahil medyo matagal na rin na hindi kami na punta sa dagat na magkasama kaming lahat. Kaya nag pakuha kami nang jumpshot na kahit noong una ay puro simula lang hanggang sa nakuha na rin na kami ay lumilipad. Nag-ala ninja din kaming dalawang mga leader at parang nag Kung Fu battle kaya tuwang tuwa ang lahat sa amin na para bang bumalik kami sa pagkabata.

image.

Mga 3:00 nang hapon ay sa wakas na luto na rin ang inihaw na karne nang baboy at mga isda at meron din kasama naming mga magulang nang dawala sa aming kabataan na nag bigay nang Chook's to Go na manok at soft drinks, meron pang madang at durian kaya nadagdagan ang aming pagkain.

Ngayon, oras na naman upang kami ay kumain muli bago kami maligo sa dagat. Upang hindi na kami mag dadala nang mga pinggan ay ang ginawa namin ay nag boodle fight na lang kami, isa din ito sa mga tradinsyon nang mga Filipino at talagang ang saya-saya talaga namin at nabusog talaga kaming lahat, kahit na hindi gaanong marami ang aming pagkain ay nabusog naman kaming lahat at meron pang natira para sa pagkatapos naming maligo ay meron pa rin kaming makain.

image.png

Ngayong natapos na kaming kumain muli ay oras na upang kami ay maligo sa dagat kanina pa kami talagang gustong maligo na sa dagat. Napansin din namin na ang lakas nang alon at nang hangin dahil siguro sa nag daang bagyo pero naging masaya naman ito para sa amin dahil napaglaruan pa namin ang mga alon.

Ang isa din sa nakakatuwang nang yari sa akin ay yong pinaglaruan ka nila, naghukay sila bigla na hindi ko alam kung para saan kaya tumulong din din ako sa paghuhukay at noong natapos na ay, ako pala ang hihiga at tatabunan nang mga buhangin at kinatuwaan pa nila ako. Talagang parang naging mga bata kaming lahat na ngayon lang nakalabas sa bahay, ang saya-saya talaga.

Marami talagang nangyari sa araw na ito, mula sa umaga hanggang ngayong hapon at masasabi kong isa na ito sa pangyayari sa buhay ko na hindi ko na malilimutan.

Ngayong mga nasa oras na 5:00 na nang hapon ay napagpasyahan na naming tumigil na at maghanda na upang maka uwi sa aming mga bahay bahay at baka magagalit pa ang mga magulang nang mga kasama naming kabataan. Kaya mga nasa oras na 5:30 ay umuwi na rin kami at salamat sa Dios dahil naka uwi kaming lahat nang nasa maayos na kalagayan.

Hanggang dito lang po ako at maraming salamat sa inyong pagdalaw at pagbasa sa aking Diary Game post.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat sa lahat nang Steemit Team para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Sort:  
 3 years ago 

Maayo kay maka in ana mo diha ba bonding2, murag normal ra ang life diha sa inyo how I wish diri pud unta sa amo.

 3 years ago 

Hang galing hang saya saya ninyo at ang pagkain sobrang dami.

Congratulations, your post has been upvoted by @scilwa, which is a curating account for @R2cornell's Discord Community. We can also be found on our hive community & peakd as well as on my Discord Server

Manually curated by @abiga554

r2cornell_curation_banner.png

Felicitaciones, su publication ha sido votado por @scilwa. También puedo ser encontrado en nuestra comunidad de colmena y Peakd así como en mi servidor de discordia

 3 years ago 

Ang saya tignan ng mga pictures! 😊

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Diary Game Contest Rule

Diary Game Contest with new Rule Added

God Bless po!!!

 3 years ago 

Anything for the love of God is satisfying. It draws some kind of enormous energy from us to show the people we extremely love what we do if we put our hearts to it. Keep up the good work of evangelism. God Bless and more power.

 3 years ago 

That is how life supposed to be. Putting God first, and all the joy will follow.