The Diary Game Season 3 || Ang Pag Celebrate namin ng ika Tatlong Taon sa Trabaho ng isa sa aking Kaibigan

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Maraming mga masasayang pangyayari sa aking buhay na tanging sa Dios ko maipasasalamat dahil sa walang sawa ng pagmamahal at pagbibigay sa lahat ng aking mga pangangailangan. Isa din sa maipasasalamat ko ay ang bawat achievement na nangyari sa akin at kahit na sa aking mga kaibigan dahil naging parti na sila sa aking buhay.

jpg_20220913_221654_0000.jpg

Pagkatapos nga ng aming Mindanao Youth Congress ay nagkataon na kasabay ito ng 3rd year anniversary sa trabaho ng aking kaibigan kung kaya hindi na namin tinapos ang nasabing event at nagpunta na lang muna sa Mall dito sa Cagayan de Oro para makapag gala muna at makapag mall kahit saglit lang, dahil mula noong nagka pandemya ay hindi na kami gaanong nakaka bisita sa mga mall dahil sa mga restrictions.

photocollage_202291422520222.jpg

Nakapasol nga kami sa unang mall na pinasukan namin ng mga nasa oras na 3:30 ng hapon at ito ay sa SM Downtown Mall. Doon nga ay nag enjoy kami sa loob na para bang mga bata dahil nga medyo matagal na din mula noong naka pasok kami dito lalong lalo na sa isa sa aming kasama na sabi pa niya ito ang unang pagkakataon na nakapasaok siya sa SM Mall dahil unang pagkakataon din niyang nakarating sa Cagayan de Oro City, kaya grab namin ang mga oras na ito para ma enjoy niya at naming lahat.

photocollage_2022914225656881.jpg

Para maging sulit ang pagpunta namin at pag celebrate ay pinuntahan talaga namin ang ilan sa mga magagandang pwede namin mabisita dito sa Mall at nag punta nga kami doon sa Garden na matatagpuan sa 5th floor na siyang maganda dahil makikita mo halos lahat ng mga malalaki at matataas na mga building na nakapalibot doon, at syempre hindi mawawala ang pagkuha ng mga larawan dito.

photocollage_202291423134774.jpg

Nagpatuloy nga ang aming pag gagala sa mga malls at sa pagkakataong ito ay nandito na kami sa ikalwang mall at ito nga ay sa Ayala Mall o Centrio na kung saan mas maraming magagandang tanawin na pwede naming puntahan. Dito nga din ay nagpatuloy ang aming muling pagiging mga bata dahil enenjoy talaga namin ang pag gagala dito. Halos lahat ng makita namin ay pinuntahan namin at kumuha ng mga larawan sa mga ito, hindi ko talaga malilimotan ang pangyayaring ito.

photocollage_202291423620154.jpg

Mga ilang oras din ang aming pamamasyal sa mga malls hanggang sa naramdaman na namin ang gutom at dahil nga sa nag celebrate ang isa sa aming kaibigan ng kanyang ika tatlong taon sa trabaho, syempre nang libre siya at sa ikalong mall kami naghanap ng Restaurant o fastfood at nandito na nga kami sa Gaisano Mall. Pero bago kami naghanap ng pwede maka kain ay bumili muna siya ng kanyang cake bilang remembrance sa kanya selebrasyon at pagkatapos ay nagpunta na kami doon sa Mang Inasal at doon nag celebrate. Mas maganda dito sa Mang Inasal kasi nga unlimited rice at malaki ang hiwa ng manok. Dito nga kami nag celebrate ng simple lang pero masaya dahil sa naging bahagi kami sa kanyang celebration.

Talaga namang napakasaya nang celebration namin mula sa paggagala at pamamasyal namin sa mga malls hanggang ngayon nakakain na kami at busog na busog at itong lahat ay aming ipagpasalamat sa Dios.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  

Your article has been supported with a 40% upvote by @karianaporras from Team 2 of the community curator program. We encourage you to keep producing quality content on Steem to enjoy more support from us and a likely spot in our weekly top 5.

20220902_095909_0000.png

 2 years ago 

Bait naman po friend nyo. May pablowout. Hehe

 2 years ago 

Nakakatuwa naman po. May blowout pa po.

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.12
JST 0.030
BTC 70976.53
ETH 3850.58
USDT 1.00
SBD 3.48