Burnsteem25|| September 13, 2022|| Diary Game Season 3|| "Nature Traveling And Photo Hunting"

in Steemit Philippines2 years ago

png_20220913_171716_0000.png

Edited By: Canva Application

Isang Mapagpalang Gabi sa ating lahat mga ka-steemians.

Tayong lahat ay mahilig gumala o pumunta sa mga presko, malinis at kaaya-ayang lugar lalo na sa mga Probinsya kong saan makakakita tayo ng mga ibat-ibang uri ng mga insekto, halaman, bulaklak at mga punong-kahoy. Ngayong gabi ay isasama ko kayo sa isang lugar na pinuntahan ko kaninang umaga. Isang lugar na nagtataglay ng mga ibat-ibang magagandang mga bagay at nakakarelax sa isip. Dahil sa ang lugar ay napapanatili ang kaayusan at kalinisan ay nakapagbibigay ito ng kaginhawaan sa mga taong nakatira malapit dito.

Umpisahan na natin.....

IMG20220913072236.jpg

Dito sa lugar na ito matatagpuan ang mga ibat-ibang uri ng mga hayop at mga insekto. May mga halamang ornamental din at mga bulaklak ang makikita dito. Una kong pinuntahan itong lugar para tumuklas ng mga ibat-ibang uri ng bagay at sa katunayan may mga insekto ang nakikita ko at sa pakiwari ay minsan lang ito makikita dahil mahilig itong magtago sa mga damuhan o di kaya ay sa ilalim ng mga malalaking bato. Sa pagpunta ko dito sa naturang lugar ay nalalanghap ko talaga ang preskong hangin at malamig na lugar lalo na at umaga pa akong nagsimulang naglakbay o gumala sa lugar.

IMG20220913072202.jpg

Ang lugar ay dating tinitirhan ng isang pamilya 5 taon na ang nakalipas at sinubukan kong bisitahin at puntahan ang lugar. Pagdating ko doon ay nakita ko ang mga magagandang mga halaman tulad nito. Ayun sa mga nakakilala nito ay tinatawag itong Epescias Plant, isang uri ng halaman na pwedeng gawing palamuti sa loob ng bahay, isa rin itong uri ng hanging plant at lumalaki ang mga dahon. Ang hugis ng dahon nito ay parang balun-balunan ng manok at nagtataglay ito ng ibat-ibang uri ng kulay.

Sa unang pagkakataon ay nakita ko na kong ano ang hitsura ng tinatawag nilang *Gangis*. Ito ay isang uri ng insekto na tumutunog kapag tanghali. Malakas ang tunog nito kahit nasa malayo ito. Malakas at mabilis itong lumipad at palipat-lipat lang ito ng lugar. Kadalasan nakatago o nakatira ito sa mga nalalantang kahoy ng atipolo dahil malambot lang kasi ang puno nito. Gumagawa sila ng mga butas at doon nagtatago. Nakakatakot tingnan dahil sa hitsura nito na animoy parang malaking gagamba. May mahabang antena na siyang gamit niya sa pagkukumunikasyon sa kapwa niya insekto.

IMG20220913073452.jpg

Sa pagpapatuloy ko sa aking pagbisita sa lugar ay napansin ko itong kabute na tumubo sa mataas na parte ng isang punong-kahoy. Maraming uri ng kabute ang tumutubo dito sa aming lugar at iilan lang nito ang pwedeng kainin. Kadalasan ang mga kabute ay ginagawang palamuti sa loob ng bahay.

IMG20220913072335.jpg

Ang lugar ay napapalibutan rin ng mga iba pang uri ng halamang-ornamental gaya nito. Ang tawag namin dito ay Tea Plant. Maganda itong gawing landscape. Lumalaki at tumataas din ito abot hanggang iilang talampakan ang taas nito. Nagtataglay ito ng mga matutulis na mga dahon at mga ibat-ibang kulay nito. Ang ganitong uri ng mga halaman ay pwedeng panggamot din ayon sa mga taong lubos na nakakaalam nito.

IMG20220913072533.jpg

Ito naman ang tinatawag naming Dulce Maria. Ewan ko ba kung bakit ito ang pangalan nito pero maganda naman ang pangalan niya. Isa itong uro ng halamang ligaw na gumagapang sa mga punong-kahoy at sa mga damuhan. Nagtataglay ito ng mga maliliit na prutas at ayun sa iba ay pwede daw itong kainin kong ang kulay nito ay violet na.

Ito naman ang mga bulaklak na nakita ko habang ako ay naglakbay sa naturang lugar. Totoo nga ang sinabi ng ibang tao na ang dating naninirahan dito sa lugar mahilig sa mga halaman at bulaklak ito rin kasi ang napapansin ko dahil may mga ibat-ibang bulaklak at mga halamang-ornamental ang nakatanim dito. Lubos akong napamangha sa lugar dahil sa aking nakita. Kahit ligaw na mga bulaklak ito ay masasabi ko pa rin na napakaganda at nakakabighani sila.

images(1).jpg

Nagtapos ang aking paglalakbag ng isang napakapresko at sariwang karanasan. Palagi naming inaalagaan ang lugar para mapanatili ang kagandahan ng aming lugar dito sa Probinsya ng Misamis Oriental.

Ang 25% ng payout ng post kong ito ay mapupunta sa @null.

IMG_20220913_171050.jpg

1638606703422.png

Sort:  

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

 2 years ago 

Thank you verymuch .

 2 years ago 

ang galing! madami pang mga tanim sa inyu and full of nature talga! i am glad to see such scenery, especially the insects that are present in your place.

Thank you for sharing these things here in our community!

StatusRemark
Club status#club5050
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Word Count300+
Plagiarism Free
Delegator
burnsteem25

Thank you for joining the #burnsteem25 program!

Luzon Mod,
@junebride

 2 years ago 

Yes ate.. nagpapakita na masigla ang lugar. Maraming salamat po sa rate ate. 😊

Hola amigo! Que lindo diario nos has relajado!!

Un lindo viaje en Contacto con la naturaleza!!!

Hermosas las fotografías, Saludos 🤗

 2 years ago 

Gracias amega..

 2 years ago (edited)

Hello! Gangis o cricket. By the way, its not TEA PLANT. It is called SCARLET. Marami kami nyan sa surroundings namin. Binibili kasi ang cuttings nyan. P20/dozen.

inbound125364338880306737.jpg
Mas malapad ang leaves ng tea plant.

 2 years ago 

Tea plant kasi ang tawag nila dito ate.. 😊

 2 years ago 

Nice ang greeny leaves 😍

 2 years ago 

Thank you 😊😊

 2 years ago 

giapilan pud unta nimo pangta ug damang (spider) heheh

 2 years ago 

Hrhehe wala nalang ate. 😂

 2 years ago 

Hi @manticao!

This post has been chosen to be recommended for the @booming support program.

Thank you for creating quality content in the Steemit Philippines Community.

Visayas Moderator,

@me2selah

 2 years ago 

Thank you very much.. 😊😊

 2 years ago 

Siguradong sariwa ang hangin dyan.

 2 years ago 

Opo sir. Napakasariwa ang hangin po dito. 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 70992.50
ETH 3860.06
USDT 1.00
SBD 3.52