Burnsteem25|| September 14, 2022|| Diary Game Season 3|| "Wonders of Nature"

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

png_20220914_213324_0000.png

Edited By: Canva Application

Magandang gabi sa lahat..

Bawat bagay dito sa mundo ay nilikha ng Poong Maykapal, mapahayop man , halaman, bagay at tao dito sa mundo. Ang ibabahagi ko sa inyo ay ang pagtuklas ko ng mga bagay-bagay na nakakaakit at nakakamangha dahil sa kanilang angking porma, desenyo, estilo nito. Samahan nyo akong tumuklas ng mga bagay-bagay dito sa aming lugar. Talagang mapapamangha tayo sa mga ginawa ng Diyos dito sa mundong ibabaw kaya isa-isahin natin ito.
Unahin natin itong isang bahay ng langgan na kong tawagin namin ay hulmigas o lamigas sa ibang lugar. Ito ay isang uri ng pulang langgam na mahilig gumawa ng bahay sa lupa. Minsan nakakagawa sila ng isang umbok ng lupa na kong tawagin ay ant hill kong saan dito sila naglulungga at nakatira. Ang mga langgam na ito ay napakasipag maghanap ng pagkain lalo na kapag malapit na ang tag-ulan.

Marami ito dito sa aming lugar at minsan makikita ito sa mga puno ng niyog. Medyo masakit kapag nanganggat ito at minsan ay mamumula ang nakagat ng ganitong uri ng insekto.

received_898641764853237.jpeg

Tingnan naman natin itong isang malaking alimasag na nakatago sa ilalim ng malaking bato. Ang ibang tao ay tinatawag itong umang at nakatira ito sa tuyong lugar gaya nito. Habang nagmamasid ako sa lugar ay nakita ko itong isang alimasag o umang. Masakit ang sipit nito kapag nakakagat ito sa atin. Ang ibay kumakain nito habang ang iba naman ay hindi. Nakakatakot tingnan at hawakan ito lalo na kapag ang sipit nito ay nakataas na at handang-handa na sa kung sakaling may hahawai o kukuha sa kanya.

Hindi ko inakala na may mga alimango pala ang pwedeng makatira sa mga matutuyong lugar gaya nito. Ang mga ganitong uri ng mga hayop ay mahilig tumira sa mga matutuyong lugar pero malapit sa ilog o sa dagat. May mga ibat-ibang pangalan depende sa lugar. May tawag na alimasag, alimango, kamangkas, kayumpi at marami pang iba.

Ito naman ay isang malaki at mataas na puno ng papaya. Dahil sa marami ang kanyang bunga kaya marami na ring beses ako kumuha dito para ulamin o di kaya ay pinapahinog. Pinaghirapan ni papa itong itanim at inaalagaan ng husto para tutubo siya at mamunga ng marami. Ang bunga ng pagsisikap ni papa sa pagtatanim ng papaya ay namunga rin ng magagandang resulta. Hitik na hitik siya sa mga bunga at sa susunod at pwede na itong anihin.

Nagagandahan ako sa papaya na ito dahil ang kulay ng tangkay ng kanyang dahon ay parang kulay violet. Pero ang nakakaattract sa kanya ay ang hitik sa bunga at ang pagkamataba at malusog na pagtubo nito.

received_789491939055667.jpeg

Hindi maiiwasan na hindi makakita ng mga ligaw na bulaklak gaya nitong isang ito na nakita ko sa isang lugar na maraming mga damo. Kapag nasa probinsya ay makakita talaga tayo ng mga mga halaman at mga bulaklak. Para siyang chrysanthemum na mga bulaklak pero ang mga kaibahan lang nito ay ang laki nito. Ang bulaklak na ito ay nagtataglay ng kulay gaya ng puti at dilaw sa gitna nito.

received_1678876132498334.jpeg

Ito naman ang tinatawag naming fox tail flower, isa rin itong uri ng ligaw na bulaklak at tumutubo lang ito kahit saang lugar. May mga maliliit na para bang balahibo ang sa ibabaw na bahagi ng bulaklakat ang kulay nito ay violet pa rin.

received_604220957923657.jpeg

Ito naman ang tinatawag naming trumphet flower, isang uri ng bulaklak o halaman na gumagapang sa mga puno. Kapag bumubuka ang mga bulaklak nito ay nakapagbibigay ng bighani sa mga mata ng mga taong makakita nito. Nagtataglay ito ng kulay gaya ng violet at puti sa dulo ng bulaklak.

Sa pagkakita ko kanina ay nakita ko kung gaano ka ganda itong mga bulaklak at sa pagkakaalam ko ay may mga taong mahilig sa mga halaman ang nagtatanim at nag-aalaga nito.

images(2).jpg

Bago ko tatapusin ang talaarawan ko para sa gabing ito ay nais kong imbitahin sina ate @amayphin, ate @jurich60 at jessmcwhite at ang 25% na payout sa post kong ito ay mapupunta sa @null.
Sort:  

TEAM 4 CURATORS

Congratulations!
This post has been upvoted through steemcurator07.
We support quality posts anywhere and any tags.
Curated by : @deepak94

 2 years ago 

Thank you very much..

 2 years ago 

Ibang iba talaga pag nasa probinsya.

 2 years ago 

Tama ka po sir.. ibang-iba talaga. 😊

 2 years ago 

Napakarami nga mga bulaklak na ligaw kang ituring. Darating ang panahon, magkakavalue din sa tingin ng mga tao.

 2 years ago 

Tama ka po at kahit ligaw na bulaklak sila ay napakaganda pa rin. 😊😊

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.12
JST 0.030
BTC 70976.53
ETH 3850.58
USDT 1.00
SBD 3.48