Diary Game Season 3| October 29, 2021| Ang Mountain Climbing at Ang Aking Cute Na Pinsan

in Steemit Philippines4 years ago

Magandang gabi po sa inyong lahat at sa lahat ng myembro dito sa @steemitphilippines. Nais kong ibahagi sa inyo ang pag-akyat sa bundok dito malapit lang sa lugar namin. Mahilig kasi ako pumunta sa matataas na lugar gaya ng bundok upang makakita ng magandang tanawin.

IMG_20211028_121816.jpg

Ito ang bundok na pinuntahan ko, napakataas at makikita ang mababang lugar at mga kabahayan. Naisipan kasi naming pumunta dito kasama ang aking iba pang pinsan mula pa sa lungsod. Ang larawang ito ay kuha ng aking pinsan habang nasa bukid kami.

Napakaganda ng lugar, makikita ang iba pang bundok at karatig na lugar. Mga bahay sa ibaba at ang mga puno ng niyog na nagtataasan sa ibabang parte ng lugar. May mas mataas pa na lugar maliban sa kinatatayuan ko pero minabuti naming hindi na pupunta doon kasi masukal ang damo at baka may ahas.

IMG_20211028_121854.jpg
Kahit mahirap, ay masaya naman kaming naglalakad lalo na kapag maganda ang paksang pinag-uusapan namin. Masaya din ako dahil nagkakatipon ang aking mga pinsan, sila kasi ang nagyaya sa akin na umakyat sa bukid para kumuha ng letrato kasama ang napakagandang lugar.

Nakatapat lang sa bundok na kinaruruonan ko ang bundok na kon tawagin namin ay bandera, isa sa mga matataas din na bundok dito sa aming lugar. Pumunta kami sa bukid mga alas 4 ng umaga, pero hindi makita ang paglubog ng araw dahil maulap.

FB_IMG_1635504944128.jpg
Nais ko ring ibahagi sa inyo ang napakacute kong pinsan na si titoy. Tuwing umaga ay pumupunta siya dito sa amin para makipaglaro sa amin. Napakalikot ng aking pinsan, naaliw akong tingnan ang aking pinsan nang humiga ito sa mataas na silya namin at nanonood ng tv habang nakaangat ang isang paa niya.

Parang matured na tao si titoy kaya nakakaaliw itong tingnan.

Iilan lamang ito sa aking magagandang pangyayari ng aking buhay, pero kahit kaunti lang ay nakakapagbigya din ito sa akin ng kasiyahan at hindi malilimutan kailan man.

Maraming salamat sa pagbasa at magandang gabi sa ating lahat.

Sort:  
 4 years ago 

Gamda ng bundok ninyo.. Sana walang cobra

 4 years ago 

Meron po Ma'am. 😊

 4 years ago 

tsada diha bugnaw ang hangin walay polution

 4 years ago 

Mao gyud sir. Daghan manganhi diari mag laag pawala daw sa kalaay. 😊

 4 years ago 

Uban baya ta ana cj 😂😂

Salamat kay imu na na huna-hunaan pagpost.

 4 years ago 

Lagi ya. 😂

 4 years ago 

Gandang experience po yan. Getting in touch with nature.

 4 years ago 

Yes po Ma'am. 😊

 4 years ago 

Ang galing naman dyan. Buti hilig ninyo mag mountain climbing

 4 years ago 

Opo Ma'am. Nagyaya din kasi ang mga pinsan ko.

 4 years ago 

Greetings to you @manticao,
I am inviting you to join and commit to #club5050 program, also dont forget to use the tag #club5050-philippines whenever you post here at Steemit Philippines community. For more information please refer to this link.

https://steemit.com/hive-169461/@juichi/club5050-latest-update-and-new-guidelines-on-how-to-have-a-curators-support

 4 years ago 

Sige salamat po sir.

Coin Marketplace

STEEM 0.06
TRX 0.28
JST 0.048
BTC 68993.82
ETH 2030.08
USDT 1.00
SBD 0.50