The Diary Game Season 3 - (8-7-2021) Pagunita sa Kamatayan ng Lolo at Bakuna Ko

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang umaga mga kababayan ko at sa lahat na taga #steemit, #steemitphilipppines, #steemitachievers, #steemitblog, #pro-steem at lahat-lahat. Sana po ay nasa masasayang araw kayo ngayon dahil Biyernes, kataousan araw ng linggo at walang masayang na sandali kasama ang buong pamilya.

inbound7460355642150439237.jpg

Ang Pagunita sa mahal kong lolo(tatay)

Ito ako ngayon, ibabahagi ko sa inyo ang aking ginagawa kahapon. Sa umaga ako ay maagamg nagising at naalala ko ang panandaliang pagbabalik ng lolo ko sa langit. Biglaan ang pag-alis niya 36 years na ang nakaraan sa edad na 52 anyos. Bata pa pala ang tatay ko noon kasi ako ngayon ay 51 years old pa.

inbound1585610124173856867.jpg
Bago ako umalis punta ng Saudi, dala- dala ko ang mga lumang letrato ng mga mahal ko sa buhay at yan lahat pag naalala ko sila, tinitingnan ko ito.

Napaluha kong ginunita ang kamatayan niya kahit matagal na kasi buhay pa ang lola ko ngayon at malusog. Si lolo ko ay hindi rin yon nagkakasakit. Vegetarian kasi kami noon at organic pa. Hi di kami bumibili kundi ani lang galing sa hardin at sakahan. Namatay siya noong nahulog sa mariveles noong umakyat siya para magkuha ng pagkain para baboy ngunit nabali ang puno at tinangay siya. Yong itak na dala niya ay sanhi ng pagbabali ng spinal cord ni tatay. Bumabalik sa ala-ala ko kung paano ako niya tinatawag. Naka uniform pa ako tumakbo sa bukid at nakita ko nakahiga sa lupa at ang itak ay nasa likuran niya. Ang lalim ng boses ni tatay. Sumigaw ako ng saklolo na walang nakarinig dahil napalibutan ng bundok. Mabuti at may dumaan na estudyante at pinaalam sa akin. Anim na araw sa ospital at siya ay namatay. Napakasakit po, at yan ay naging bahagi sa araw ko kahapon. Ako kasi ang unang apo at mahal na mahal ko po siya.

Ang Pagbakuna Laban Covid sa Gabi

Ginawa ko lahat na dapat gagawin ngayon baka maging masama ang kundisyon ng katawan ko sa bakuna sa gabi. Nakalimutan ko ang pag gunita sa tatay lolo at hingi ko na sana guide niya ako.

inbound6698828685802845887.jpg
Maganda ang proseso at mabilis lang. Hindi ako naghihintay ng matagal.

inbound5076785026333591477.jpg
Kahit saan basta #steemit ang iniisip at di makalimutan ang pag selfie.

inbound2226036567635052841.jpg

Nakakatuwa ay kumukuha ako ng timing paraakunan ko ng larawan ang lugar. May nagsabi kasi na bawal daw. Bawal lang siguro pag siraan mo ang pamahallaan dito pero pag purihin ko, sino naman magagalit?

Pagkatapos ng paghihintay ng ilang minutos ay tinawag na pangalan ko. Tinanong niya number ko at sabi ko ayaw ko baka tawagan mo ako. Hahaha! Natatawa ang lalaking nurse na Arabo. Kung tatawag man siya, ayoko din sagutin kasi ang pangit, joke lang pero in fairness, magaan kamay niya. Tama ang pagka inject at wala akong naramdaman ngayon. Paturok nga ulit😉😉😉.

Pag uwi ko sa bahay ay nagugutom ako at inaantok na kaya natulog ako agad. Inom nalang ako ng tubig para mabusog at may lakas hanggang umaga. Nakahanda na sana ulam ko kagabi.

inbound6753062394321539733.jpg
Nilagang baka na may repolyo. Bisaya na pagkaluto, walang templa na anu-ano. Asin at paminta lang at naalala ko ang luto ni lolo tatay ko.

Ito ang diary ko kahapon at kagabi. Sana ay nasiyahan kayong nagbabasa at salamat sa suporta.

Ay naku, sandali kakanta muna ako ngayon. Hintsy lang konti. Isang Pilipino song para sa #musicforsteem

Enjoy lang tayo sa Basang basa sa ulan. Maligo na kayo sa ulan.

Steem On and Keep safe!

inbound6970618118266494608.gif

inbound1838561343777155615.gif

Gif credit to @gremayo &@baa.steemit

Sort:  
 3 years ago 

Masarap alalahanin ang mga alaala mg mga matanda lalo na kung mahal ka nila.
Mabuti nmn at tapos ka na day bakuna mo sis. Ako Kahapon Sana pero Wala pa pala Aztra Zeneca. Pastilan, Yong Sinovacs sana ituturok.

 3 years ago 

So hindi kapa naturokan? Ingat at itanong mo sa nurse bago paturok

 3 years ago 

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post sa araw na ito. Ang iyong Diary po ay kwalipikado para sa Diary Game contest sa linggong ito (Week 12). Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon.

Paki Bisita po rito

 3 years ago 

Maraming salamat din @steemitphcurator.

 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

 3 years ago 

Thank you so much one again for your support.