Diary Game Season 3|| November 12, 2022|| "Ang Aming Napakagandang Lugar"

in Steemit Philippines2 years ago

IMG20221109081041_00.jpg

Magandang umaga sa lahat..
Una sa lahat ay lubos ang aking pasasalamat dahil sa wakas ay opisyal na ang pagiging myembro ko dito sa steemit philippines. Hangad ko na magdadala at magbabahagi ng mga mgagandang larawan o tanawin dito sa aming lugar. Ngayong araw ay nais kong ibabahagi ang unang talaarawan ko para sa araw na ito. Dahil mahilig ako sa pagkuha ng letrato kaya ito ang ibabahagi ko sa araw na ito. Napapaligiran ng maraming puno ang aming lugar lalo na ang lugar namin dito sa sitio Linangga. Kahapon ay naisipan kong maglibot-libut dito sa lugar namin dahil wala namang pasok sa paaralan kaya may oras ako sa paglalakbay at pagala. Una ko itong nakita itong puno ng acasia kung saan napakagandang tingnan ito. Malamig sa ilalim ng puno at napakapresko ng lugar. Malapit lang ito sa ilog at nagsisilbi itong panangga para hindi guguho ang lupa. May katandaan na ang punong ito at makikita ito sa kanyang laki ang balat nito. Hinahayaan nalang ito ng mga tao na tataas at lalaki itong puno para hindi mawasak ang kanilang lugar.

IMG20221112062037_00.jpg

Sa pagpapatuloy ko sa aking paglalakad ay nakita ko itong matatayug na bundok. Ito ang nagsisilbing hangganan ng dalawang Purok. Sa likod ng na yan ay ang Pampublikong merkado ng Manticao at sa paanan naman ng bundok na ito ay makikita ang masukal na mga tanim na mga saging. Dito rin malapit sa lugar na ito kadalasan idinadaraos ang isang aktibidad gaya ng motorace. May mga taong mahilig mag hiking ang umaakyat dito sa bundok na ito at mas lalo nagpapaganda sa lugar ang maganda panahon at kulay asul na kalangitan.

IMG20221112062230_00.jpg

Kay gandang pagmasdan ang kalangitan lalo na ang buwan. Kahit alas 7 na ng umaga ay hindi pa rin nawawala ang buwan. Minsan kasi sa ganitong panahon ay kalimitan matagal mawawala ang buwan walang mga makakapal na ulap ang makikita at tanging ang buwan lamang.

IMG20221111070634_00.jpg

Nais ko ring ibahagi itong larawan ng isang malaking puno na kong tawagin namin ay Bangkal. Ang sa katawang bahagi ng punong ito ay may mga matutulis na bagay at hindi it9 maganda para sa paggawa ng mga mwebles o furniture. Pero nakakatulong naman ito para hindi masisira ang lugar lalo na ang lupa. Maraming puno ng bangkal ang makikita dito sa aming lugar at ang iilan sa mga ito ay namatay na o nabuwal sa nagdaang malakas na hangin dulot ng sama ng panahon.

IMG20221111065534_00.jpg

Dito sa daan na ito kami dumadaan at nagsisilbi itong shortcut papunta sa aming bahay. Dahil sa nagdaang aktibidades o community service kong tawagin ay napapanatili ang kagandahan at kalinisan ng lugar. Nakakatulong ito para mawala ang mga insektong nakakasira sa buhay ng tao lalo na ang mga langaw at lamok. Layunin ng Purok President na mapanatili at kaaya-ayang tingnan ang lugar kaya naisipan nilang linisin ito. Plano ng lokal na pamahalaan na gawing konkreto ang daan para hindi na mahirapang dumaan ang mga tao dito.

Iilan lang ito sa mga larawan na kuha ko dito sa aming lugar. At ikinagagalak kong ibahagi talaga dito sa inyo. Bago ko tatapusin ang diary post ko sa araw na ito ay nais kong imbitahan si Kuya @jb123, @manticao at @aehryanglee para sa isang diary post. Magandang umaga sa lahat.

Sort:  
 2 years ago 

Nice captured pictures bahhh... Keep on sharing your photography skills dri sa atong community. Thank your for sharing...

 2 years ago 

Youre welcome sir.

 2 years ago 

Nspakaganda nga ng lugar ninyo as in virgin pa siya talaga at malinis. Siguro malamig dyan pag gabi kasi hang daming puno.

 2 years ago 

Opo Ma'am. Lalo na ngayong panahon ng Ber months po.

 2 years ago 

Your article is recommended for booming support. In our community, keep producing and sharing top-notch content.

 2 years ago 

Wow, thank you very much sir..

 2 years ago 

Ang gaganda ng mga kuha mo na mga larawan sa inyong magandang lugar, friend. Relaxing sa mata

 2 years ago 

Salamat po friend.. Maganda nga ang lugar namin dito, maraming mga punong-kahoy.

 2 years ago 

Wala ng hihigit pa sa ganda ng pure untouched nature. Napakaswerte ninyo at maraming mga punong kahoy sa lugar ninyo.

 2 years ago 

Opo Ma'am. Mababait din kasi ang mga tao dito, hindi pumuputol ng kahoy. Hindi naman maiiwasan ang hindi pumutol ng kahoy lalo na kong ganit sa bahay pero pinapalitan naman nila.