Steemit Philippines Photography Contest Week #5 - Filipino Food Photography : Nilagang Saging na Saba with Ginamus
Magandang Araw sa lahat! Sana'y nasa mabuting kalagayan po kayo kung saan man kayo naroroon. Nais kong sumali sa patimpalak na Filipino Food Photography at para ibahagi sa inyo ang isa sa paborito kong meryenda.
Ngayong araw na ito ay nagluto kami ng Nilagang Saging na Saba with Ginamus o nilung-ag nga hilaw na saging with ginamos sa bisaya. Ito ang paborito namin lutuin sa tuwing meryenda dahil ito ay masustanyang pagkain at nakakabuti ito para sa aking mga magulang na parehas nasa senior citizen na. Mayaman sa sustansya ang saging sa Vitamin B6, Fiber, Potassium, Magnesium, Vitamin C at Manganese. Nakasanayan na namin itong lutuin lalo na sa probinsya ng aking lolo kung saan minsan ay walang bigas na makakain at walang perang pambili. Ito ay malaking tulong para maibsan ang kanilang gutom. Kaya laking pasasalamat ko dahil nairaraos ang pang araw araw na pagkain nila lolo sa probinsya lalo na nung nagsimulang nagkapandemya at hindi kami makadalaw sa kanila.
Sa tuwing kami naman ay may family reunion, hindi talaga mawala ang nilagang saging. Paborito namin itong pagkain lalo na pag pumupunta at naliligo kami sa dagat. Hindi lang kami kundi karamihan sa mga Pilipino ay isa ito sa baon pag may outing o pag naliligo ng dagat. Mapapasarap talaga ang kwentohan ng pamilya o barkada pag may pulutan na saging at sawsawan na ginamus.
Paano ito eprepara?
- Sa isang katamtamang sukat na kaldero ayusin ang saba na saging. Lagyan ng tubig sapat lamang upang masakop ang saging.
- Pakuluin sa loob ng 25 hanggang 30 minuto o hanggang sa lumambot ang saging.
- Alisan ng tubig o edrain ang tubig mula sa kumukulong kaldero. At ibalik ang takip nito at hayaang magpahinga ito ng 5 hanggang 10 minuto bago ihain.
Para sa sawsawan
- 1/2 cup bagoong or ginamus
- durog na sili
- katas mula sa 2-3 piraso ng calamansi
- suka
Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay saktong paghain namin sa aming nilutong saging. Napakaperpektong kainin lalo na ito'y mainit pa at napakalamig ng panahon ngayon. Napadami tuloy ang akin kain kaya't hindi pa ako nakapaglunch dahil saging palang ay mabubusog ka na talaga.
Hanggang dito nalang po. Hanggang sa susunod mga kababayan! Maraming Salamat sa inyung pagbisita at pagbabasa.
Iniimbitahan ko ang iba kung kapwa steemian na sumali sa patimpalak na ito @jufranketchup @sweetmaui01 @moonlight-shadow @lealtafaith. Maraming Salamat sa inyu.
20% of post pay-out to @steemitphcurator
More power and Godbless
Regards,
@zoe21
wow sarap naman nyan maam, yan din baon tuwing maliligo sa beach
Yes sir, asta kamote hehe
yes maam ang always partner haha
Drool! Kalunosnsa ginamos..hmm
Hehe maogyud mam @amayphin.😊
mao ni pinakalami nga snack hangtod karon
Lagi mam. Pinobre pero lami haha
gimingaw nako ana da...
Makamingaw jud ni mam pero di ta pwede palabi sa parat sad aning ginamos 😅
Thank you for the invitation @zoe21 love that boiled bananas my favorite breakfast,
Welcome mam. Sakto mam ang uban ebreakfast ni hehe
Lami jud ni nga snack ba...labi na ug halang nga ginamos...
Maogyud @loloy2020. Mukaon pud diay kag ginamos sir? Hehe salamat diay sa rating sir. God bless
Walang kupas na pagkaing pinoy 😋
Pinobre lang sa ta sir crisis man haha
Judge: @juichi
Thank you sa rating sir @juichi 😊