Ang Pista sa Nayon:Pahiyas Festival
Sa wakas mga ka-steemers! Unang beses kong magsusulat ng tagalog na blog! Hahaha! Hirap pala. Pero masubukan malay natin pumatok ito sa panlasa ng mga tagasubaybay ko. Hahaha! Feeler! Malay naman natin di ba? Meron nga. Oh siya ito na nga sisimulan ko na.
Ang ilalathala ko ngayon ay tungkol sa isa sa pinakamakukulay na pagdiriwang sa ating bansa. Malapit na naman mag Mayo 15, ilang araw na lang ang iintayin ko para masaksihan ko na naman ang pagdiriwang ng mga taga Lukban, Quezon.
(isang uri ng palamuti na ginagawa sa giniling na bigas at hinuhulma sa dahon ng caba.)
Sa Mayo 15 ay ipagdiriwang ng mga taga Lukban, Quezon ang kanilang Pahiyas Festival. Ito ay isa sa pinakamakulay na pagdiriwang ng mga taga doon lalo na ng mga magsasaka na mga tubong Lukban. Ang pagdiriwang na ito ay ang pagbibigay pugay nila sa kanilang patron na si San Isidro de Labrador para sa kanilang masagana ani.
Matagal ang paghahanda ng mga taga Lukban para sa pagdiriwang na ito. Naglalagay sila ng mga palamuti sa harapan ng kanilang bahay gamit ang ibat ibang inani ng mga magsasaka na miyembro ng kanilang pamilya kalimitan dito ay ang kanilang mga lolo,tatay,tiyo at si kuya.
Ang ilan sa mga naani ng mga magsasaka ay nagiging palamuti sa kanilang mga tahan gaya ng mga prutas, palay, gulay at iba pa upang ito ay maging makulay, ang ilan naman ay kanilang inihahanda at pinagsasaluhan ng buong pamilya o di naman ng kanilang mga bisita sa araw ng pista.
Mayroon din silang ibat ibang aktibidad para sa pagdiriwang na ito. Ang sikat dito ay ang parada ng mga kalabaw na kasama ang kani- kanilang amo na kung saan ay may bahagi sa parada na sabay sabay nilang paluluhurin ang kanilang kalabaw.
Masaya ang pagdiriwang ng Pahiyas Festival, mababait din ang mga taga dito dahil bukas ang kanilang bahay upang magpalitrato sa disenyo ng kani-kanilang tahanan. Masuwerte ka kung matapat ka sa tahanan na may disenyo na masasarap na pagkaing tubong Lukban gaya ng Pansit Habhab, Longganisang Lukban, Espasol at kiping. Oo meron talaga niyan suwertihan nga lang. Wow di ba? Talaga naman nakaka WOW di ba?.
Nagagalak na ako sa aming pagpunta ngayon susunod na Martes, Mayo 15 kasi makakasaksi na naman kami ng isang magarbong kapistahan sa ibang lugar. Magiging makulay nanaman ang paglalathala ko nito. Huwag kayo magalala ibabahagi ko din sa inyo ang mga pangyayaring madaranas ko sa pagpunta ko sa Lukban, Quezon. Chao! Este Paalam pala mga ka- steemers baka hindi na ako matulog sa sobrang kaligayahan ko. Hehehe.. 😉😊
"Iba't iba ang kultura, pananaw at yaman ng isang bansa.
Bilang Pilipino, dapat natin tangkilikin ang sariling atin. "
Chic article. I learned a lot of interesting and cognitive. I'm screwed up with you, I'll be glad to reciprocal subscription))
Thank you. 🙂
sana makatikim ako ng kiping-kiping haha
Try q maguwi nyan sa may15 ipapabgy q kay johnpd hehehe 😊
Wow! Unang medyo travel post! Parang gusto kong magpunta din sa Lucban Quezon sa mga susunod na araw.
Its nice @tagalogtrail masaya saka mababait talaga sila nagkataon lang taga doon napanangasawa ng tito ko. Suwerte hehe. Salamat po sa papuri.
Bago sa pandinig ko yang kiping-kiping ano kaya ang lasa nyan?
Msarap po kapag ipinirito... Hehehe