Over reacting akong nanay #OAmom

in #life7 years ago

Magandang gabi steemians.
Habang naglalaro kami ng anak ko inaaya ko na syang mag aral or review ng mga lessons nila sa school daycare student palang ang anak ko at tatlong taon pa lang kaya medyo makulit pa . at hindi pa ganoon ka seryoso sa pag aaral more on laro pa sya dagdagan pa na nawiwili na manuod sa youtube. So ngayong gabi kinukulit na naman nya ko na manonood sya sa cellphone nililimitahan ko lang ang paggamit nya ng mga gadgets dahil mayroon din itong hindi magandang epekto sa bata. Una na baka lumabo ang mata kakatitig sa gadgets. Tapos nagkakaroon daw ng speaking delay ang mga batang laging nag gagadgets. As much as possible 1 hour lang sya allowed na gumamit ng gadgets a day kaso makulit syempre bata pero hindi ko talaga kinukunsinti kahit umiyak pag bawal bawal. Nililibang ko nalang ang ginagawa ko nakikipaglaro ako sa kanya ng mga toys nya para malibang or mag story telling ako sa kanya. Gaya kaninang hapon sabi ko bago sya makanood sa cellphone kailangan muna nyang matapos yung puzzle nya ng letter a to z so ayun natapos naman nya kaya pinayagan ko na sya na manood sa cellphone. At binabantayan ko ang mga pinapanood nya baka mamaya makapag bukas ng hindi maganda at maimpluwensyahan ang isip. Tayong mga magulang dapat palagi nating gabayan ang ating mga anak kahit na sa simpleng panonood lang sa internet dahil hindi natin alam na baka mamaya iba na pala ang nabubuksan nila na site at napapanood. Dahil housewife ako nagagabayan ko ang anak ko kahit sa paglalaro sa labas sinasamahan at binabantayan ko sya. Sabi nga ng iba malaki na raw hayaan ko raw mag explore para tumibay hinahayaan ko naman sya. Asa malapit lang ako sinisilip silip sya baka kasi mamaya lumabas ng kalsada or makagat ng aso hindi bale ng tawagin akong o.a na nanay kesa naman kampante ako tapos mapahamak ang anak ko. Hindi ko iintindihin ang sasabihin ng iba. Basta ako focus ako sa anak ko. image image image