💚Andito Lang Ako💚 (Maikling Kwento)🥰😁 part 12 The Finale 🥰👍👍
Bago po tayo dumako sa pagtatapos ng ating Inday series, nais ko lamang pong ipahayag ang aking taos-pusong pasasalamat sa inyong lahat sa pagsubaybay at paumanhin po sa ilang buwang paghihintay ng finale. Hindi ko na po ito patatagalin, eto na po ang katapusan ng ating serye:
TOK! TOK! TOK!
"Pasok po." Malumanay na sagot ni Inday. Ang ganda naman ng anak ko!" Sambit ni Aling Amelia habang papalapit sa katatapos lang na make up an na bride. Maluha-luhang yumakap si inday sa ina. "Salamat po Inay. Atleast may pagbabago na po di ba?", ngiting sagot niya sa ina. " Anong ibig mog sabihin anak?", kunot noong tanong nito sa ating napakagandang bride. "Kasi noon tandang tanda ko kinakatok niyo ako ng kwarto, ang gulo gulo daming kalat na papel sa ibabaw ng kama ko di ba Inay?" Bahagyang natawa si Aling Amelia. Maingat nitong pinahid ng tissue ang nangingilid na luha ng anak. " Tama na mabubura na make up mo anak." Yumakap siya dito at hinalikan sakto naman papalapit na din ang bihis na bihis nitong ama. "Group pic na muna tayo, nay, tay, ate. Lika na!" Bulalas naman ng kapatid nito. " Pinky naman panira ka talaga ng moment kahit kelan", pakli nito sa kapatid. CLICK! CLICK! CLICK! Yan tapos na ang family picture.
Dumako naman tayo sa groom. Ano na ang kaganapan diyan? Roger over and out.
"Kuya pakiusap naman o, baka pwedeng magrelax ka sandali. Kanina ka pa ikot ng ikot diyan e. Nahihilo na ako sa iyo." Saway ni Norton sa kapatid. "Ano, handa ka na ba iho?", bungad ni Mang Donald sa panganay na lalong lumabas ang kapogihan nito sa suot na barong. "Kinakabahan po ako Pa. At di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko." Tugon nito sa ama habang pinupunasan ang pawis niya sa noo. "Parang di ka kinasal dati e." Tukso ni Aling Leonor sa binata. Yumakap siya dito at hinalikan sa pisngi. "Relax ka lang at hwag ka kabahan anak." Payo niya dito. "Tara na po." Yaya ni Norton sa mag-anak. "Saglit lang! Groupie muna tayo", sabay kuha ng kanyang selpon sa bulsa ng kanyang slacks. CLICK! CLICK! CLICK! Isa na namang family picture ang natapos.
Huh! Ganon din! Walang pinagkaiba a.
Tara na sa venue kung saan gaganapin ang kasalan ng taon. Sa isang tabing dagat.
Ang kasalang Levinson-Olalia ay naganap sa isang tahimik at napakasolemn na lugar. Dahil parehong mahilig sa beach ang ating mga bida sila ay kinasal sa tabing dagat. Napakapresko sa pakiramdam ang hanging humahaplos sa bawat taong nandoon upang saksihan ang pag-iisang dibdib nila Norman at Ingrid. Hindi mapigilan ni Norman ang pagtulo ng kanyang luha habang pinagmamasdan ang marahang paglakad ng diyosa sa kagandahang si Ingrid. Napakasimple ngunit elegante ang kanyang puting gown na humubog sa kanyang balingkinitang katawan. Gwapong gwapo naman siya sa kanyang groom. Hindi na niya maitatagong siya ang kanyang ultimate crush mula pa noong elementarya sila. Napakasaya niya at di rin niya mapigil ang mapaluha sa nakitang reaction ni Norman habang siya ay papalapit na dito. Sabay nilang nasambit sa kanilang sarili ang “salamat Diyos ko at pinahintulutan mo ang aking hiling, ang makasal sa taong laging andito lang para sa akin.” Nagmano siya sa mga magulang ni Ingrid. Hindi na natanggal ang paningin niya dito hanggang sa pagpunta nilang dalawa sa Pastor na kanina pa rin nakatingin sa dalawa. Di rin niya maitago ang kilig na nararamdaman para sa kanila. Siya nga pala si Pastor John Lagrana ang officiating minister ng ating mga bida.
Atin naman pakinggan ang kanilang wedding vows. Dahil ladies first, unahin na natin si Inday.
“Andito lang ako. Yang mga katagang yan hindi na nabura sa isip at puso ko. Mula nong marinig ko mula sa iyo, Norman. Kaya lang sa panaginip ko lang ito nangyari. Ngunit pinanghawakan ko yan mula noon. Di ko na inisip kung paano mo masasabi sa akin balang araw. Lalo na noong nagtapos na tayo ng highschool. Hindi na tayo nagkita at nagkausap mula noon. Nagkaroon tayo ng sariling mundo, sariling buhay at pareho tayong pinagtibay ng panahon lalo na sa pagharap ng hamon ng buhay.” Inilabas niya ang isang special na papel kung saan nakaprint ang selfie nilang dalawa nong graduation nila sa highschool at binasa ang kanyang tula.
PAUSE po muna tayo dito...
Ikaw naman Norman.
“Super Inday ng buhay ko. Di ko rin maipaliwanag kung bakit at paano tayo pinagtagpo muli. Noong una ang akala ko talaga ay wala na talaga tayong pagkakataong magkikita. Di ko na nga inisip na magkakatotoo ang aking panaginip bago kita makita non na naghihintay ng sasakyan pauwi. Nakita kita at ang lungkot lungkot mo hanggang sa umiyak ka na linapitan kita at niyakap. At doon ko nasambit ang mga katagang “Andito lang ako”. Nagising akong may luha ang aking mga mata. Ang tagal ko din nakahiga bago ako gumayak. Alam mo bang wala akong alam na puntahan noon. Basta nagulat ako nong makita kitang nakatayo at mag-isa. Kaya tinigil ko ang aking sasakyan sa harap mo upang muli ay masilayan ko ang iyong ganda.” May kinuha din siyang special na papel mula sa dibdib niya tinago sa bulsa ng kanyang barong. Di ko na alam paano nagkasya yon doon. At binasa niya ang kanyang tula.
PAUSE din po ulit tayo dito...
Just a short recap lamang po bago natin matunghayan ang kani-kanilang tula. Remember nong highschool sila nahulog ang laman ng folder ni Inday sa harap ni Norman. Maling folder kasi ang nadala niya noon. Tinulungan siya ni Norman na pulutin ang mga yon. Mabilis ang mga kamay ng binata. Maliksi niya itong naitago. Na curious na siya sa dalaga nong mga time na yon. Kaya minabuti niyang itago ang isang pirasong papel na sumabit sa kamay niya. At di ba dear readers nagpromise si Norman na dadaanan nila sa bahay nila ang papel na yon? Ngunit di na yon nangyari dahil napatawag ang nanay ni Inday sa pag-aalala sa kanya non dahil gabi na di pa nakakauwi. Remember ang tamis ng kanilang first kiss hayyyyyy kilig overload. Kaya naman wag na kayong magtaka kung bakit parehong pareho ang kanilang tula. Si Inday ang nagcompose e. Sadyang tinadhana sila kaya pareho din ang na compose nilang katapusan ng tula. Ok po eto na po ang kanilang tula. Di ko na po patatagalin.
Andito Lang Ako...
Itutuloy ko na lamang po ito. Inaantok na kasi ako mga minamahal kong tagasubaybay. Paumanhin talaga tulog lang po ako. Itutuloy po natin ang tula sa susunod na post ko po. Maraming salamat po.
Merry Christmas everyone. Miss you all.🥳🎉🎄
Please stay safe and healthy at all times. I love you all. 🥰🙏
Thank you so much for your time. God bless us all and let us keep praying for each other and for our world. 👍🙏💚🙏👍
Check this link and join our prayer warrior here in steemit https://steemit.com/christian-trail/@wilx/christians-on-steemit-let-us-follow-and-support-each-other-pt-7-join-the-christian-trail
I am forever grateful to God every day of my life for giving me everything I need and praise Him all the more for not giving me everything I want. To God be all the honor, praise and glory ❤ :-)
I am @sashley a.k.a. shirleynpenalosa, a recipient of God's love, mercy and grace. :-) ❤
Have a blessed Year 2020 everyone :-) ❤
Please do check out @paradise-found's posts and you're welcome to join the @gratefulvibes family curation.
(credits: sis @sunnylife)
Follow us on #gratefulvibes discord channel (positive and uplifting attitude) https://discord.gg/7bvvJG
Let us support @surpassinggoogle as a witness by voting for him, just visit this link https://steemit.com/~witnesses and type in "#steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnessesagain and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
(credits: @bloghound)