‘Di Na Mababawi | Isang tula
Isang orihinal na akda
Ang mga oras na hinayaang lumipas
Di na mababawi
Ang mga larawang kumupas
Ang mga salitang binitiwan
Di na mababawi
Ang mga kinunan mong larawan
Ang mga nakatanim mong alaala
Di na mababawi
Ang mga pangako mong nagpaasa
Ang mga luhang tumulo na
Di na mababawi
Ang iyong pagkawala
Dahil alam mong ikaw ay nasa huli
Dahil alam mo na ikaw ay naging sawi
Dahil alam mong di mo na mababawi muli