Literaturang Filipino: Akala mo lang

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)

download.jpg

Bakit kapag gwapo ay kamahal mahal? At kapag panget ay kapalit palit? Yan ang mga laging tanong sa karamihan. Ngayon, bigyan natin ng oras ang pagbasa sa kakaibang storya nato.

Isang araw sa isang prestihiyusong unibersidad sa Cebu. Si Kiko ay nagdala ng tsokolate at bulaklak dahil liligawan niya si Eula. Nang nakalapit na siya ni Eula ay tinawanan lang siya ni Eula at mga kasamahan pa nito. Di raw type ni Eula kasi ang panget at badoy mamorma si Kiko. Umalis nalang si Kiko sabay tapon sa gilid ang mga dala niya. Pumunta siya sa wishing fountain at humiling na sana mapansin siya ng mga babae dahil naniniwala siya na may himala raw sa fountain na iyon. Pagkatapos, umuwi siya dala ang sakit na nadarama niya at nagmumukmok siya sa kanyang apartment na tinirahan niya.

Dalawang Linggo ang nakalipas. Hindi pa rin pumasok si Kiko sa eskwelahan dahil sa nangyari. Isang araw, may kumatok sa pintuan niya. Pagbukas niya ay nakita niya ang dalawang magagandang babae at nagyaya sa kanya na mamasyal sa mall para daw mawala ang masalimoot na natamo niya kay Eula. Hindi nagdadalawang isip si Kiko at lumabas siya at namasyal kasama ang dalawang babae na si Cindy at Wona.

Mula noon, si Kiko ay pumasok muli siya sa eskwelahan na kasama si Cindy at Wona na nakagapos sa magkabilang braso niya. Lahat na estudyante sa campus ay nakatingin ni Kiko at mukhang nagtataka sa pagbabalik niya. Sinabihan siya ni Cindy na naiinggit ang mga kalalakihan sa kanya dahil sa magagandang babae na kasama niya. Napangiti lang si Kiko nang nagkatagpo sila ni Eula na mula paa hanggang ulo ang pagtitig ni Eula sa kanya.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso silang tatlo sa wishing fountain. Todo ang pasasalamat ni Kiko dahil nagkahimala raw. Umuwi na sila tatlo at papasok na sana si Kiko subalit hinila siya ni Cindy at bigla siyang hinalikan sa labi at pagkatapos nuon ay tumakbo si Cindy ng palayo.

Alas dose na ng gabi. Mayroong kumakatok sa bintana at pagbukas pa ni Kiko ay nakita niya si Wona. Pinapasok niya ito sa loob dahil naglayas raw ito. At sa gabing iyon, ay umamin si Wona na may gusto siya ni Kiko at ayon may nangyari talaga sa kanilang dalawa sa oras na iyon.

Kinabukasan, pagkagising ni Kiko ay wala na si Wona sa tabi niya. Mga ilang oras ay may kumakatok sa pintuan at nang buksan niya ito. Nakita niya ang kanyang inay na umiiyak na kasama ang kanyang ama. Hindi niya alam kung ano talaga ang nangyari. Hanggang may lumapit na dalawang lalaki na nakaputi sa kanya at ginapos siya ng mahigpit at pinasok siya sa isang sasakyan.

Pinasok si Kiko sa Mental Hospital dahil napag alaman ng Director sa unibersidad na may ibang kinikilos si Kiko noong pagpasok niya muli sa eskwelahan. Hindi lang isa, kundi marami ang nakakita na nagsasalita at tumatawa na mag-isa si Kiko sa loob ng campus at sa labas. Ayon sa psychiatrist na nagkaroon ng Multiple Personality Disorder o Dissociative Personality Disorder si Kiko dahil sa labis na depression at anxiety na naranasan ni Kiko.

Dyan nagtatapos ang storya po at maraming salamat sa pagbasa ng kuwento na sinulat ko po at maraming salamat sa patimpalak. 😊

PatimpalakLiteraturang Filipino
TemaHimala
PamagatAkala mo lang
Akda@jenel
Pasasalamat kay@steemph.cebu @sndbox @dynamicsteemians at sa mga kaklase ko nga steemians

GODBLESS STEEMIANS 😊


Sort:  

Ay iba rin sangay, galing ng pagkakagawa mo ng kwento...
Wag kang mapapagod sa paggawa ng mga kwento..

Hahahaha ikaw rin sangay sana di ka rin magsawa magbasa sa kwento ko. Hahaha abangan mo yung kwento ko bukas po sa temang karahasan ng steemph.cebu na patimpalak. Maraming salamat sangay

@jenel okay sya sa paraang nai kwento mo ng maayos ang mga pangyayari.
May nabaliw pa sa plot twist!

Good luck sa patimpalak ng @steemph.cebu! Para sa bidbots!

Hahahaha hindi na bidbots ang target ko. Sa ngayon ay mag cash out po akopara sa ticket ng infinity war kasi e gift ko hahaha

Hahaha ayos! Harinawa'y palarin sa patimpalak para may pambili ng tiket. Tapos pag napanood mo ang Infinity War gawa ka din ng review sa pinanood mo. In Tagalog syempre para mabasa ko hahaha

Baka ma spoil ka hahahaha

Ayos lang yan. Sa panahong naisulat mo iyan nakabili na ako ng Blu ray na CD sa may bangketa at pinapanood ito sa aming bahay ng nakataas ang paa at umiinom ng sopdrinks.

Hahaha ez nalang hahaha gustihin ko sana sa bahay lang manood pero bday gift kasi eh hahahah baka hindi na ako papansinin niya hahaha

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jenel being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Ang ganda ng pag kakasulat @jenel, ipatuloy mo lang ang iyong pagsusulat ng mga kwento. Baka balang araw ay maging awtor kana.

Maraming salamat po. Opo, ipagpatuloy ko po ang aking pagsusulat at sana magustohan pa rin ninyo ang mga sulat ko.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 61710.86
ETH 3388.63
USDT 1.00
SBD 2.50