Paano Nga Ba Maglayas?

in #paanongabamaglayas7 years ago (edited)

Nasubukan mo na ba ang mga sumusunod?

  1. Lumayas sa bahay (prodigal son)
  2. Lumayas sa lovelife (heartbreaker)
  3. Lumayas sa trabaho (awol)
  4. Lumayas sa amo (wala akong term)
  5. At iba pang uri ng layas...

Lahat yan naranasan ko ng higit pa sa pitong beses.

Hello ako nga pala si Mar-An dating palaboy. Walong bahay na ang aking natirhan dahil sa aking paglalayas.

Ang mga isusulat ko dito ay base sa mga totoong karanasan o naranasan. May mga pangalan lang akong babaguhin para maprotektahan sa ngalan ng privacy.

Maari kang makarelate sa mga naging experiences ko at dalawa lang ang pagpipilian mo, mainspire ka o mabwisit ka.

Mainspire ka dahil sa mga natutunan ko habang naglalayas ako o mabuwisit ka dahil layas ako ng layas.

Tara simulan na natin ang paghahanda sa iyong paglalayas.

I. Ang Unang Layas

Karamihan sa atin lalong lalo na yung mga batang 90's ay dumanas sa epic na corporal punishment. Pag bata ka pa, sa palo ka nagkakaroon ng mabigat na mga emotion. Anu-ano ang mga ito?

Ang mga sumusunod ay ang mga naramdaman ko sa mga pagkakataon may lumapat na sinturon, kawayan, sanga ng puno, walis tingting, at iba pang bagay na lumalapat sa pwet ko.

Kung meron ka mang naramdaman na wala sa mga mababanggit ko, comment mo na lang please. Maaaring yung iccomment mo ay naramandaman ko ngunit di ko lang naalala.

1. Di nila ako mahal. kapag ikaw ay nasasaktan physical or emotional man, eto yung una mong nararamdaman "di na niya ako mahal". Kung nararamdaman eto ng mga matatanda na or nasa husto ng edad pano pa kaya kapag bata ka lang?

2. Hindi nyo ako tunay na anak. Maliban sa madalas akong mapalo ng tatay ko, ako yung naiiba sa kulay ng mga kapatid ko. Maitim ako sila maputi. Lahat sila December ang kapanganakan ako ang nagiisang July ipinanganak. Pag bata ka di mo maiiwasang magisip na ampon ka lalong lalo na kapag palagi kang napapalo. Lalong lao na kapag naiiba ang kulay mo sa kanila.

3. Ayoko na dito.Ito talaga ang malupet. Sa sobrang sakit nang naramdaman mo, dito mo na naiisip na umalis ng bahay.

Grade 2 ako noon at nag aaral pa lang ako magsaing sa kahoy. Sa kasamaang palad ay nakaligtaan ko na may sinasaing pala ako at ito ay nasunog.

Galit na galit ang tatay ko at alam nyo na kung saan ako pinulot. Isa, dalawa, tatlong hataw ng sinturon sa pwet. Iyak ka na lang ng iyak hanggang sa pabulong pabulong mo na sasabihin "ayoko na dito" lalayas na ko.

At dahil bata palang ako nun, konti pa lang ang kaya kong iabsorb na sakit. Kaya ang bilis kong napuno. At ayun, naglayas nga ako.

Subalit, bago ako naglayas nakaplano na lahat.

  • kung saan ako pupunta
  • anu ang sasabihin ko sa titirhan ko
  • anu ang mga gagawin ko para mapunan ang pagampon nila saken

Very common ang tatlo na yan tuwing naglalayas ako. Ang pinakaimportante ay dapat may valid na rason ka kung bakit nakuha mong maglayas. Imagine grade 2 pa lang ako nyan. Yan na ang mga bagay na naiisip ko. Pano pa kaya yung mga sumunod?

draft pa lang po ito - to be continued...

Sort:  

Go here https://steemit.com/@a-a-a to get your post resteemed to over 72,000 followers.

@mar-anpalaboy, I gave you an upvote on your first post! Please give me a follow and I will give you a follow in return!

Please also take a moment to read this post regarding bad behavior on Steemit.

Anak, hinanap kita kung saan saan. Hindi ka ampon.. ako ang inamon niyo, remember? Charot!

Ang ganda ng post mo. Haha. Nakakalibang. Keep it up! :-)

ina ka ng lahat nay