ALAALA - TAGALOG SPOKEN POETRY (A KIND OF FILIPINO POETRY)

Ikaw ay isa ng masayang alaala
Na kailanman ay hindi na maibabalik pa
Kailanman ay hindi na mauulit pa
Dahil lahat ng ating pinagsamahan ay isa ng alaala.

Ikaw ay nasaktan ko, kaya ikaw ay nagpakalayo
Itinaboy kita, hanggang sa ikaw ay sumuko
Wari'y para kang itak na sa akiy sumasaksak
Kaya sa dulo, luha ay pumapatak.

Pasensya kana, mahina ako
Mahina ako kase nga di pwedeng maging tayo
Tayo na akala mo ay totoo
Totoo nga na ikaw sakin ay nagseryoso

Mali ang tingin sayo ng iba
Mata nila ay puno ng panghuhusga
Ako lang ang nakakita ng tunay mong halaga
Ngunit ako ay walang kwenta, dahil sa nasaktan kita.

Nangako ka na ako ang mamahalin mo
Pero mahal, hindi pwede maging tayo
Hindi natin pwedeng itago
Ang relasyon na ating nabuo.

Pagkakasala sa Diyos ang ating nagawa
Patawarin Nya ako, ako ay nagkasala
Dahil sa mahal kita at mahal ko din ang isa
Kaya ako ay nag isip isip na.

Tayo ay nagkagulo, ako ay iniwasan mo
Hanggang sa nagpasya ka na lumayo
Lumayo ka at akoy tuluyang iniwan mo
Mahal, sana ako parin hanggang sa dulo.