Paglalakbay Sa Dako Pa Roon ni @shikika: Ang Talong Festival Ng Villasis
Sa gitna ng aking paglalakbay, aking nakasalubong ang grupo ng nagagandahang dilag na pinangungunahan ni @shikika kasama sina @sunnylife, @jennybeans, @yennarido at @lunamystica . Mukhang malayo ang kanilang pinagmulan kaya naman niyaya ko silang maupo at magpahinga sa ilalim ng malaking puno ng Akasya. Pasalampak kaming naupo at nilanghap ang sariwang hangin saka pinagsaluhan ang dalang meryenda ni @jennybeans. Aking tinanong kung saan sila patungo ngunit wala silang maisagot na tiyak. Kaya naman akin silang inanyayahan patungo sa aking pupuntahan at malugod naman nila akong pinaunlakan.
Nagpatuloy ang aming paglalakad hanggang sa marating ang bayan ng Villasis sa lalawigan ng Pangasinan kung saan ako ay isinilang. Dapit-hapon na kaya hindi na masyadong mainit nang marating namin ang bayan.
Ang Villasis ay tinaguriang Vegetable Bowl Of Pangasinan dahil sa pagkakaroon ng masaganang ani ng iba't-ibang uri ng gulay. Nangunguna na rito ang talong, ampalaya, sitaw, okra, kamatis at marami pang iba.
source
Taon-taon sa buwan ng Enero ay ipinagdiriwang ang pyesta sa Villasis upang magbigay puri sa Santo Patron na si San Antonio de Abad(Saint Anthony the Abbot). Dito sa simbahan na ito ako bininyagan at ikinasal. Nagkaroon na ng pagbabago ang simbahan dulot na rin ng papaunlad na bayan.
source
Tuwing pyesta ginaganap dito ang makulay na Talong Festival. May parada ng mga sasakyang inadornohan, sayawan sa kalye, pinakamahabang ihawan ng mga talong at ang pinakamasaya sa lahat...ang pagluluto ng Pinakbet sa kawa ng bawat barangay sa harap ng munisipyo.
Napatuloy ang aming paglalakad. Napakagaganda ng mga sasakyan na inadornohan ng ibat-ibang klase ng gulay. Kung hindi ako nagkakamali, ang bawat barangay ay may kanya-kanyang "medium" sa kung anong gulay ang gagamitin para palamutian ang sasakyan.
source
Hindi nagtagal ay nag-umpisa na ang sayawan sa kalye. Kay gaganda ng kanilang mga kasuotan. Napakakulay. Lahat ay masiglang gumalaw. Talagang pinaghandaan nila ang patimpalak sa pagsasayaw sa kalye. Nakakahawa ang kanilang kasiyahan. Nilingon ko ang aking mga kaibigan. Lahat sila ay wiling-wili sa panonood.
source
Pagkatapos ng sayawan sa kalye ay ang pinaka mahabang ihawan naman ng talong! Napakahaba neto. May daang metro din yata ang inabot at ilang libong talong ang iniihaw pagkatapos ay ipinapamahagi ng libre sa lahat ng tao. Nakakuha rin kami ng ilang pirasong inihaw na talong. Hehehe!
source
Nag ikot-ikot pa kami at sinalubong kami ng nakakatakam na amoy. Sa harap ng munisipyo pala ay nagluluto na sila ng Pinakbet sa kawa! Bawat barangay ay may kanya-kanyang kawa. Patimpalak din kasi ito ng may pinakamasarap na luto ng Pinakbet. At pagkatapos ay pagsasaluhan din ng lahat ang mga niluto.
source
Natapos din ang pag-iikot namin sa bayan ko. Napakasaya pala kapag may kasamang maglalakbay kaya sa halip na umuwi na ako ay sumama pa akong muli sa aking mga kaibigan.
Baka gusto mo ring sumama? Maglakbay tayo sa dako pa roon kung saan tayo dadalhin ng ating mga paa. Masmarami, masmasaya sabi ng ating kaibigang si @shikika..
Sa pamamagitan ng "Ang Dako Pa Roon" ni @shikika ay naibahagi ko sa inyo ang isa sa ipinagmamalaki ng aming bayang Villasis na "Talong Festival". May ilang taon palang ito mula ng mag umpisa ngunit habang naglalaon ay nakikilala na ito at nagiging isa sa mga atraksiyon hindi lamang sa Pangasinan kung hindi sa buong bansa.
@akoaypilipina
April 23, 2018
1:01 pm
I thank @iwrite and @purpledaisy57 for mentoring me.
Our mentor @surpassinggoogle has been very supportive of our group #Steemitdiversify and other groups too. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Others that we should support are: @henry-gant, @kenny-crane, @beanz, @teamsteem, @good-karma, @busy.org, @esteemapp, @hr1, @arcange @bayanihan, @acidyo, @anomadsoul, @steemitph, @jerrybanfield, @darthnava, @paradise-found, @geetharao, @stephenkendal and @richq11; they also have supported us. Thank you very much.
Talong Festival pala dyan...sa amin Bangus Festival naman..
@taminites samahan mo kami sa aming paglalakbay. 😀 Dalhin mo rin kami sa makulay mong bayan at bangus festival upang malalaman ng madla na inyong bayan ay punong puno ng biyaya ng atin pambansang isda. 😀
Maraming salamat sa paanyaya mo aking kaibigang @shikika asahan mo ang aking pagsama sa inyong paglalakbay🙂
Lubos mo akong pinasaya @taminites pinaunlakan mo ang aking paanyaya. Sigurado akong magiging masaya ang aking mga kasama kung malaman nila na ikaw ay sasama aming paglalakbay patungo sa dako pa roon. 😀
Magkikita kita tayo sa bayang masagana sa pambansang isda. 😀
Naaayon ang Bangus festival nyo @taminites dahil nalalapit na ang pagdiriwang ninyo neto, tama ba ako? 😀
Your self votes will be countered by @sadkitten for 1 week starting Saturday, April 21st 2018, 11:43 because your account is one of the highest self voters. For more details see this post.
wow gaganda ng post@akoaypilipina!!!
Thanks sis.. sana nag enjoy u😉
the amazing adventure and travel is great inf have a nice day
Thank you.. Have a nice day too @angeltirado
Ayos yan.. sana makarating din ako jan sa lugar niyo sa Villasis. :)
@lakawero samahan mo kami sa aming paglalakbay patungo sa dako pa roon. 😀 Sabayan mo kami sa pagtuklas kung anong meron sa dako pa roon. 😀
Halika na @lakawero..samahan mo kami sa aming paglalakbay🙂
Wow! @akoaypilipina di namin lubos akalain na kami ay iyong dadalhin sa iyong bayan Villasis Pangasinan. Sobrang napakakulay at pinagpala. Ang daming ani ng iyong bayan. Nakakatakam ang inihaw na malaking talong. Sigurado ako hindi nito magugutom ang ating mga kasamang dilag lalung lalo na si @jennybeans. 😀
Salamat sa pagpaunlak ng aking paanyaya. Naging napakamasaya, napakamakulay at nakakabusog ang aming narating. Ito'y nagbigay sa amin ng sigla at lakas upang tahakin ang dako pa roon. 😀💖
Ikinagagalak ko aking kaibigan na nagustuhan mo ang paglalakbay natin patungo sa bayan kong Villasis. Aanyayahan ko pa sana kayong maglakbay patungo sa dako rito sa dating bahay nina Juliet ng Romeo at Juliet by Shakespeare ngunit gabi na. hehe
Hindi ko mawari kaibigan kung Buwan ng Wika ba ngayon dahil ako'y lubos na nahihirapan sa pag hagilap ng mga kataga. Hehe.. Maraming salamat kaibigan s paanyayaya mo na maglakbay sa dako pa roon. Hanggang sa muli😘😍
Kung atin nanaisin pwede tayo magbalik sa ibang araw upang bisitahin si Juliet. 😀😀😀
Nahihirapan din akets. Hahaha. Ngunit wala nang atrasan dahil malayo layo na rin ang ating nilalakbay. Hahaha
I love all those veggies yummy
Yes mam they are good for the health and nutritious too..
Maraming salamat @akoaypilipina sa pagpasyal mo sa amin sa iyong napakagandang lugar. Kami ay nawili sa ating pamamasyal at nalaman din namin ang tungkol sa inyong napakagandang festival. Sa mga gustong sumama sa aming paglalakbay malugod po namin kayong iniimbitahan. Ang paglalakbay patinho sa dako paroon ay napakasaya kapag madami kang kasama.
Lubos akong natutuwa dahil kumpleto na pala ang #steemitseryesisters sa paglalakbay patungo sa dako pa roon. 😀😀😀 Sigurado ako na marami pa ang makikilakbay sa atin. 😘
Oo nga sis,hehe. Tara na! Sumama na kayo sa aming paglalakbay. Nang amin ding makita ang kagandahan ngbinyong bayan.
Hahaha Oo nga kapatid, ipagpaumanhin mo kung naatrasado ako ng pagdating dahil nahirapan akong makabangon mula sa pagkakadapa sa #steemitserye Ni Aileen
Hahaha. Hang over pa to the max! Samantala ako ay nabusy na sa paglalakbay. Hahahaha
Di pa ko makapunta sa ikalawang edisyon ng steemitserye. Bukas na lang dahil matuyulog na ako. 😀
Maraming salamat @lunamystica sana nabusog ka rin sa Inihaw Na talong at Pinakbet na binigay sa atin😃
You got a 1.27% upvote from @upmewhale courtesy of @shikika!
Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!
Your Post Has Been Featured on @Resteemable!
Feature any Steemit post using resteemit.com!
How It Works:
1. Take Any Steemit URL
2. Erase
https://
3. Type
re
Get Featured Instantly & Featured Posts are voted every 2.4hrs
Join the Curation Team Here | Vote Resteemable for Witness
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by akoaypilipina from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.