Ternos for Sale

in #pilipinas3 years ago

IMG_20210422_134538.jpg

Matumal ngayon. Pero syempre, di tayo susuko. Ganun talaga, may panahon na malakas ang benta, meron namang sakto lang. Kung hihinto ka kasi nawalan ka ng gana dahil walang benta, di mo naman mararanasan ang taglakas. Kaya kapit lang. Huwag sumuko. 😊

Naalala ko yung wala pa akong bisikleta, ang layo ng nilalakad ko, maihatid ko lang sa buyers ko yung mga order nila. Kahit mainit di ko iniinda. Basta kung kelan available sa oras yung mamimili, go lang ako. Nung nabilhan na ako ng bisikleta ng asawa ko, gumaan na ang pakiramdam ko. Nakakarating na rin ako sa malayo-layo para makapaghatid ng orders.

Ngayon pa ba ako susuko? Hindi panigurado. Basta ang importante, lumaban lang ng patas sa buhay. Ajah! 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 69380.97
ETH 3764.30
USDT 1.00
SBD 3.86