"Salamin"
"Let us go then You and I,
When the night is spread out
against the sky
Like a patient etherized upon a table...."
(Excerpt from The Lovesong of J Alfred
Profruck by T.S Eliot)
Ang ligaya ko'y
walang mapagsidlan
sa mga oras na bantulot na ang gabi
kung saan
tanging mga hininga nyo ang namayani
dito sa silid mo
hindi ko alam kung sino ang totoo
may balot ng kumot ang bawat indayog
at ang dilim ay hinuhubaran
ng ibat ibang saplot
ang alam ko lang na totoo sayo
ay ang minsang magkasama
kayong tatlo.
hanep gleng naman sis. indayog. grabee ang tula mo sis:)
rock n roll nato sis!
Salamat sis. Mga nakakubling kahulugan sa bawat salita ay nagdudulot ng pagkamulat ng damdamin .
Ang lalim ...hehe Gusto ko to! ;)
Salamat dear!
ang galing mo palang manunula sis..aantayin ko sunod na post mo
Salamat sis.
upvoted and followed! follow me back! :) #steemph
Thank you!
I'm your follower.