Tula Tungkol sa Dakilang Lumikha

in #pilipino7 years ago (edited)

Karamihan sa mga Pilipino ay naniniwala sa Diyos at kahit iba iba ang relihiyon, may pinaniniwalaang Dakilang Lumikha. Nagkakaiba lamang ng tawag at paraan ng pagpapakita ng pananampalataya.

Ang tulang ito ay ginawa ko noon bilang pagpapakita ng aking pananampalataya at pasasalamat sa Diyos para sa lahat ng bagay.

PhotoGrid_1503100926767.jpg

Dakilang Lumikha: Diyos Ama

Ikaw ba'y may nakikita aking kaibigan?
Magandang tanawin at kapaligiran
May namamasdan kahit sa kalawakan
Na nagpapatunay na ang Diyos ay makapangyarihan

Lahat ng ito ay Kanyang ginawa
Maging ating sarili at iba pang kapwa
Na sana'y hindi kailanma'y mawawala
Upang hindi maglaho, saya at sigla

Tunay ngang busilak ang Kanyang puso
At maraming ulit na itong napatotoo
Ang araw na ang sinag ay parang ginto
Nagsasabing may liwanag sa buhay natin dito

Ikinararangal ko ang aking pagiging tao
At tinatanggap mabubuti Mong turo
Ikaw ang nagsilbing Ama naming totoo
Inaalagaan Mo at minahal itong yaring mundo.

IMG_20170724_133839.jpg

Sort:  

Nice good eve

Thanks. Gandang gabi din. :)

This post received a 2.5% upvote from @randowhale thanks to @zararina! For more information, click here!

Kahanga-hanga ang mga pagbigkas mo ng mga yaring kataga @zararina 😊. Nakakalugod at kaaya-ayang babasahin 😊.

Kahanga-hanga ang mga pagbigkas mo ng mga yaring kataga @zararina 😊. Nakakalugod at kaaya-ayang babasahin 😊.

Bkit pareho kayong comment ni erick sa taas?

Erickson totoong name ko, name ng son ko dwightjaden 😊.

Ah okay po. :)

Isa lang ang napansin ko dito, mas maganda pa sulat kamay mo kaysa sa akin.

Nakaktawa po yan. :P

Ngayon lang ako naka visit sa post-promotion hehe. Upvoted @zararina. Gumagawa kadin pala ng tula Like me :) hehe dyan lang natin naeexpress mga feelings natin. Go team poetry. :)

Salamat @aclenx , yup makata ang mga pinoy. :D

Maganda sya... mahusay lalo na itong stanza na ito gustong gusto ko...

Ikinararangal ko ang aking pagiging tao
At tinatanggap mabubuti Mong turo

matanggap kaya ito ng karamihan ayon sa tula na iyong ginawa bilang isang kristiano? Maganda kasi pagkakasabi? (At tinatanggap mabubuti mong turo) Maganda talaga sya... ito yung sitas na bagay na bagay...

1 Timoteo 2:9
Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;

Salamat sa iyong tugon at pakaunawa sa aking tula. :)