Tula para saknya: IKAW LAMANG LIYAG KO

in #poetry7 years ago (edited)

IKAW LAMANG LIYAG KO



Image Source



O aking sintang iniirog
Kung iyong mamarapatin
Ako ay naghahayag ng aking damdamin
Sa isang marikit at kabigha-bighaning tulad mo


Ang aking hangarin ay mabuti
Mula sa kaibuturan ng aking puso
Na ikaw lamang ang lukso ng dugo
At itinatangi ng aking damdamin


Sa iyong kariktan na aking nasilayan
Hindi kumukupas sa aking isipan
Imahe ng iyong mukha ay nakalathala
At hindi mawala wala ang paghanga


Ako man ay hindi kagandang lalaki
Ngunit iyong maipagmamalaki
Pagibig ko sayo ay walang katumbas
Hanggat nabubuhay ako...ako ay sa iyo


Wala nang hihigit pa sa wagas na pagibig
Kung aking makakamtan ang iyong "oo"
Matamis na "oo" na inaasam ko
At pangako na ikaw lamang liyag ko



Image Source




Sort:  

Oh pagibig nga nman kung pumasok sa puso, hahamakin sinoman.

Pero sa lahat ng pagibig na nararamdaman, wala ng hihigit pa sa kadakilaan ng pagibig sa Lumikha. 😊

Sapagkat, lahat ng pagibig na ditoy sa lupa ang pinag-uukulan ay kapwa matatapos at maging walang kabuluhan.

Ito lamang ang aking payo sa iyo oh kaibigan, unahin muna natin makamtan ang pagibig sa Amang Dakila. Sapagkat Siya ang magbibigay ng isang maka-Dios na irog na siayng ating liyag :)

...yes its true.. Bcoz the most important relationship, we will ever have is with god...And then the god will give us the love that we deserve...

Hello @ahna8911
remember to quote the source of the images to give the respective credit to the author.

..ahahaha thanks for reminding me..it totally slipped my mind...😃😃😃

Congratulations! Your post has been chosen for the SteemPH UAE : Daily Featured Posts | 15 April 2018.

We recommended this post here.

We are Discover Steem, if you like our work consider giving us an upvote. :) If you don't wish to receive recommendations under your posts and to be recommended, reply with STOP.