"Maghintay Ka Lamang" : A Filipino Poetry
"Maghintay Ka Lamang"
Mayroon pa rin pangarap na tinatamasa
Para sa pamilya na mabigyan ng saya
Buhay nila maging marangya
Hindi man ngayon ang panahon na itinakda
Huwag susuko at ipagpatuloy ang pagtitiyaga
Nakasalalay sa 'yong palad
Pangarap na dapat matupad
Wag sana mainip dahil ganyan ang buhay sa mundo
Basta't sa puso at isipan ika'y porsigido
Susuyurin saang iskinita
Basta trabaho ay makakita
Pagod ay di alintana
Hihinto lang sa tabi ay okay na
Mabigo man ngayon bukas-loob na tatanggapin
Ang bukas ay muling iisipin
Hindi mawawalan ng pag-asa
Sa Diyos kakapit at aasa
Batid ang paghihirap
Sa huli ay masusuklian rin ng sarap
Hindi matatawaran ang saya
Kung pangarap ay matatamasa
Basta maghintay ka lamang nang walang humpay
Makakamtam mo rin ang rurok ng tagumpay
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
It reminds me of the song "Maghintay Ka Lamang". Indeed, everything has it's own time. In the book of Ecclesiates 3:1," There is a perfect time for everything."
We will just have to wait though waiting really takes a lot of patience and perseverance...
hy @jassennessaj
me newcomer on this steemit platform, if you have free time please visit my blog,
upvote and follow me
Thank you
This is so true sir, if u really aiming for something because in waiting all the good things are there. And of course, with Gods guidance... Thanks for these wonderful poetry sir
What a beautiful poem oy yours sir @jassennessaj . Godbless U
Truly inspiring :) great post sir @jassennessaj!
Indeed, isang mahusay na likha ng isang nakamamanghang makata! Well done Sir!
Yes sir, and we also need to work in a smartway, inorder to shorten our hardwork. It's like pushing continuously a block of ice into our destinations and while we gets farther the ice also gets smaller, the burden lessen. But it also means that the ice will be perish before the destination and our effort would be wasted.