"Titigil Na Ba Ako?" : A Filipino Poetry
"Titigil Na Ba Ako?"
Mapakita lang na nag-aalala.
Palagi ko sayo pinapaalala
Para maramdaman na mahalaga ka
Ngunit bawat araw ay pagkabigo
Mga effort ko'y binalewala mo
Hindi mo ba madarama ito?
Manhid ba ang iyong puso?.
Araw at gabi ikaw ang iniisip ko
Oras oras palagi kang laman nito.
Lahat ng parte ng katawan ko,
Ikaw ang hinahanap nito.
O baka sinasadya mo lang to
Dahil tulad ko'y di mo gusto
Sabihin mo na deretso
"Titigil Na Ba Ako?".
Walang problema yon sa'kin
Kung di ka man para sa'kin.
Wag nalang sanag paasahin
Dahil akin iyong tatanggapin.
Hindi naman ako ang nawalan
Kundi ikaw na ako'y pinaglaruan.
Taong nagmamahal sa'yo ng buo
Sinayang mo lang ang puso ko.
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
@originalworks
The @OriginalWorks bot has determined this post by @jassennessaj to be original material and upvoted it!
To call @OriginalWorks, simply reply to any post with @originalworks or !originalworks in your message!
It breaks my heart. Ganyan talaga ang buhay
Most of us experienced the same way...hayyzzz
Nice poem. Good idea in the poem. Thanks for sharing the poem.
Wow! Nice! Galing galing! :)
Galing nyo po sa poem...
Hah? Hahaha. Galing san?
Ahh ako? magaling? Nononono! haha
Please follow my sis @therainbow, parang mas magaling ata sya. Haha
this legit pulled on my heartstrings... feels :)
may dalang hugot sir? @jassennessaj hehe :)
Wahahah. Wag po kayong padala. :)
Ang tulang pinoy ay talaga namang bumabaon sa kaibuturan ng puso.
omg..tinud anay naman siguro ni..naa nay mga text2
Sorry na airplane mode yung cp ko lodi :(