Bulong Nang Paminta
Bulong Nang Paminta
A Spoken Word Poetry Piece
Akdang Tula #4 orihinal na akda ni @joco0820
Bawal ba ang magmahal ng isang tulad mo?
Bawal bang maging bahagi ka ng mundo ko?
Bakit nga ba bawal na magmahalan tayo?
Ou nga pala, ikaw at ako lalaki tayo pareho
Sa mundong hindi tanggap ang pagmamahalan nating dalawa
Bakit kaya di nalang tayo gumawa ang sariling mundo sinta
Ako ang hari at ikaw na lalaki ang prinsipe na ituturi kong parang reyna
Pagsisilbihan mula ulo hanggang paa
Oh diba ? Grabi ang ngiti at saya,hawak ko parati ang kamay mo walang taong nanghuhusga
Mahahalikan kita sa kahit saang sulok o sa kahit ano mang banda
Walang kilay na tataas at walang matang didilat na sing liwanag ng bumbilya dahil sa mali ang nakikita nila
Walang taong magagalit walang bungangang puputak putak na sasaway sa ating dalawa
Maglalakad tayong naka akbay habang nagkukwentuhan sa ating storya na panghabang buhay
Maghaharutan sa daan walang tatawa dahil ito ay ating kaharian ang sa sasaway ay tiyak aking ipapapatay
Ipapatawag sa ating kaharian pupugutan nang ulo o kayay ibibitay
Ipapakain sa buwaya, ipapatapon sa malayong lugar o ipapatuka sa agila na parang maliit na palay
Kay sarap siguro nang buhay natin mahal noh?
Kung tanggap tayo ng mapanghusgang mundo
Kung pagmamahalan natin ay hindi mali sa mata nang tao
Sana'y maintindihan nila na nagmamahalan lang naman tayo
Sana, sa pamamagitan ng maikling pasisiwalat ko nang aking nararamdaman
Mamulat ang mata nang taong bayan
Pagtanggap at pagrespeto ang tanging aking iniasam, ou yun lang naman
Pasensya na, lalaki man kami pareha, nagmahal lang po ng lubusan
Hello steemians! I am back! @joco0820
For more poetry and travel blogs, dont forget to
UPVOTE | RESTEEM | FOLLOW
Naku bro. Walang problema yan. Hindi sa iyo ang problema kundi sa kanila. May mga ibang tao kasi na mapanghusga at hindi natin iyan maiiwasan. Pero mas maraming tao ang nakakaintindi, basta hindi lang kayo nakakasakit/nakakasira ng ibang tao wala namang problema yan.
Ang maipapayo ko, maging focused kayo sa mga tao na naiintindihan kayo at ipagsawalang bahala nalang ang opinyon ng mga hindi nakakaintindi. :)
Maraming salamat sa pagpansin bro.
Sa tulang aking isinulat
Nararamdaman koy gusto ko lang naman isiwalat.
Ngunit akoy gulat na gulat
At kayoy natuwa sa akong isinulat
Pagmamahalan namin ay
Walang mali sa ganitong pag-iibigan. Mapanghusga lamang talaga ang mundong ating ginagalawan. Kapag hindi naaayon sa normal na nilang nakasanayan, kung anu-ano na ang itatawag. Pero kahit ano pa ang sabihin nila, iisa lang ang nakikita ko...
Dalawang taong nagmamahalan.
Maraming salamat sa iyong komento
Naway natuwa ka sa maikli kong kwento
Naway pagmamahalang ganito
Ay irespeto at hindi pagtawanan ng tao
Hi @joco0820. Congratulations!
You've been featured by @steemph.cebu on our Daily Feature of Authors #15. You've chosen as the top best blogs of this day. With that, you've enjoyed the benefits for being featured.
Continue to post more quality content having #cebu & #philippines as part of your tags.
Salamat at inyong na bigyang pansin
Tula ko na iisa lang na naman ang mithiin
Na pagmamahalan namin ay tangapin at respetohin
Maunawaan nilang tao rin kaming nagmamahalan din
Thank You @steemph.cebu
Congratulations @joco0820!
Your post was mentioned in the Steemit Hit Parade for newcomers in the following category:
I also upvoted your post to increase its reward
If you like my work to promote newcomers and give them more visibility on Steemit, consider to vote for my witness!