Ulyanin
image source @storenvy
Kapag nalulungkot.
Nai-tono ko na noon,
Kumpleto na ang himig ko.
Tipa na lang sa pyesa,
Tugtog na lang ang kulang,
Kapa na lang sa gitara,
Ako'y aawit na.
Ngunit ngayong okay na kinakapa na naman,
Himig at liriko nawala bigla ang lahat.
Hindi ko maalala, timbre sa gitara.
Hindi ko mahagilap ang mga salita
Na Nabubuo sa tuwing ako.... ay tuliro.
Hindi ko ma-alala kung san ko nakuha
Lahat ng salita bigla ko lang kinuha
Sumusulpot sa utak bigla kong isusulat
Pero hindi ko alam kung san ko na isulat