My Verification post: @chy07/Luzon Region/Sept. 8, 2021
Hello po sa aking STEEMIT PHILIPPINES FAMILY.. Naway nasa mabuting kalagayan naman po ang lahat lalo na po ngayon ay may bagyong Jolina na kasalukuyang bumabayo sa ibang lugar kasabay nitong pandemya sa atin. Kapit lang po at matatapos din po lahat ng pagsubok sa atin ngayon.Basta magtiwala lang po tayo kay papa God magiging maayos po ang lahat.
Magpapakilala lang po ako ulit para sa aking verification po dito sa ating platform at community na napakaganda at talagang masasabi ko po na marami ang natulungan at marami pang matutulungan katulad ko po.
Ako po si charmayne, ipinakilala po sa akin ni mamsh @jewel89, my mentor sa crochet mommy @jurich60 at ma'am @me2selah ang platform at community na eto.
Ako po ay may dalawang anak, Jcei 8 and Jeiziah 4. At ang aking common-law-husband si jeff.
Ako po ang pangalawa sa bunso sa aming magkakapatid. Nung una po, talagang naghahanap po ako ng pang extra income para po matugunan ang pangangailangan ng pamilya bilang andito lang po ako sa bahay at ang tanging pinagkakaabalahan ko lang po talaga bukod sa pagaasikaso sa aking anak at asawa ay ang aking munting talento sa paggantsilyo.
Masasabi ko po ay kahit paano nakakatulong po eto ngunit alam naman po natin sa panahon ngayon na hindi pa po sapat ang gantong kita dahil hindi naman po araw araw ay may mga paorder po ako. Kaya naman po nung naintroduce po sa akin etong platform at community na eto talagang nabuhayan po ako ng loob dahil bukod sa may pandagdag kita para sa aming pamilya ay maaari ko na pong maibahagi ang aking mga karanasan sa buhay.
Alam ko rin po na hindi pa po sapat ang aking mga kaalaman kaya ako po ay excited sa mga mababasa o maibabahagi ng ating steemit philippines family.
Before po, ako po ay nagtratrabaho sa isang real state company bilang customer relations coordinator ngaunit nung ako po ay nagbuntis po ulit sa aking pangalawang anak naisipan ko na po na magresign at mag focus na lang po sa pag gagantsilyo pandagdag kita po sa amin.
Minsan po inaaral ko rin po kung paano kumuha ng maganda sa camera "Mobile photography" bilang kailangan ko po eto sa pagkuha ng aking mga likha sa gantsilyo. Medyo mahirap at komplikado po pero sabi nga po nila "try and try until you succeed". Eto po ang mga sample ko na kuha gamit po ang aking camera.
Kuha ko po yan nung kami po ay nagbeach ng aming mga kaibigan. Kay gandang pagmasdan po silang mag aama dahil napakasimple lang po ng buhay nila. After nila mamingwit ng isda agad po nila etong binibenta sa mercado para may maiuwi sa kanilang pamilya. Natouch lang po ako dahil tulong tulong sila ng mag aama.
Eto naman po ay mga sample na kuha ko po sa aking mga produkto sa gantsilyo.
Hanggang dito na lang po ang aking verification post.. Naway marami pa po tayong maishare at matutunan sa bawat isa.
Salamat po at be a blessing to others.
Love,
@chy07
Accepted! 😊 Nice reintroduction.
Thank you po ma'am. stay safe and God bless po.
Hello, @chy07!
Thank you for participating in the verification process, and welcome to the community!
Here are some quick links to guide you in your Steemit Journey:
Our community conducts several contests. If you want to join the fun, then check the community account--@steemitphcurator-- for daily updates.
You can also check and follow the different social media accounts:
Thank you, and see you around! :)
Welcome to Steemit Philippines Sis! ❤
Salamat po ma'am..
Good morning momsh @chy07 a very nice verification post. Wait po naten ma accept ang iyong verification 😊
Welcome sa Steemit Philippines Community. Ipalabas ang mga talentong nakatago sa baul.
Welcome to steemitphilippines @chy07
Welcome onboard steemitphilippines community! Enjoy lang tayo dito.