Monday Short Stories and Poetry with @SteemPh

in #steemph6 years ago

image

Ngayong araw na ito ng Lunes ay ginugunita natin ang Pambansang Araw ng Mga Bayani. Kaya siguradong holiday na naman sa buong Pilipinas. At long weekend na rin dahil walang pasok ang ilang mga estudyante at empleyado mula Sabado hanggang ngayon. Kaya paniguradong may mga nagbakasyon at nagliwaliw sa mga pasyalan, dagat at kabundukan.


pinagkunan ng larawan

Ginagawa ang paggunita tuwing ika-huling Lunes ng buwan ng Agosto bilang pag-alaala sa naganap sa Pugadlawin. Dito nagpasiklab ng rebolusyon ang mga Katipunero at idineklara ang paglaban mula sa pananakop ng mga Kastila. Pinamunuan ni Andres Bonifacio ang Katipunan kasama ng ilang utak ng himagsikan at iba pang mga may kapangyarihan na nagbibigay sa kanila ng pondo at armas.

Para sa'yo, ano ang tunay na halaga ng kabayanihan? Sino ang itinuturing mong bayani ng buhay mo?

Filipino Fiction : Tagalog Serye X : Ang pangwakas na bahagi ng Ikalawang Pangkat

Kapag binasa mo ang kabuuan ng serye, mas maiintindihan mo ang kwento. Pero ang akda na pangwakas na bahagi ang masasabi kong pinakamahusay sa lahat at ito din ang nagpanalo kay @oscargabat. Madamdamin ang pagpapahayag at maganda ang pagpapaliwanag at ang daloy ng kwento. Mahalagang aral din mapupulot mo dito.


Ikuwento mo sa Steemit|Pera o Bayong?

Mula sa patimpalak ni @romeskie ang entry ni @amayphin na nagsasalaysay ng kanyang hindi-malilimutang karanasan. Natawa na lang din ako sa lakas ng loob niya na panindigan ang napiling sagot. Minsan kasi may pakiramdam tayo na tama ang desisyon natin at handa tayo na pangatawanan ang napili natin. Pero ang pagtanggap niya sa pagkakamali ang pinakamahalagang aral. Hindi dapat malugmok o malungkot sa pagkakamali, bagkus gamitin itong pagkakataon para mabago ang sarili.


"Kaya nyo ba yun?" | Ikwento Mo Sa Steemit | Nakakahiyang Pangyayari

Narito naman ang isinulat ni @aboutart para ulit sa patimpalak ni @romeskie. Ang nakakatawang kwento ng kanyang pagkapahiya dahil nahulog siya mula sa sinasakyang dyipni. Isang pagsasanay para sa mga kababaihan ang pagsusuot ng panyapak na may mataas na takong kaya naman hindi natin maaaring isisi sa kanya ang pangyayari dahil aksidente lamang ito. May mga sakripisyo lang talaga na kailangang pagdaanan kung nais mo magdala ng ganoong kasuotan. Wika nga ng mga millenial tiis-ganda lang ang peg.

Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :

  • Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.
  • Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.
  • Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
  • Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
  • Ang mga posts hanggang sa ika-apat na araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 3days old)

Antabayanan ang iba pang pagtatampok :

DAYTOPICWRITER/CURATOR
SundayTravel@rye05
MondayShort Stories & Poetry@johnpd
TuesdayCommunity Competitions@romeskie
WednesdayFinance@webcoop
ThursdayCommunity Outreach@escuetapamela
FridayFood@iyanpol12
SaturdayArts & Crafts@olaivart

Disclaimer: All post pics from the respected authors’ post.

Sort:  

salamat @steemph at kay @romeskie!
Mabuhay ang wikang Tagalog!