PINOY HENYO WEEK #27 ANG PAGBABALIK. 10/07/2018
Matapos mamaga ang akin tilaok-tilaukan o sa wikang Ingles ay Toncil, narito pong muli ang inyong abang lingkod na nagsasabing "maayos na po ang aking pakiramdam ngayon". Maaari na po akong sumabak sa serbisyo haha.
"Dahil ang mga tigapaanyaya po ay nagkakasakit din at siyempre nagpapahinga rin".
Hindi naman po malubha ang aking kalagayan noong nakaraang linggo, kaya lang hindi lang talaga ako makapagsalita nang maayos. Alam naman natin lahat na mabagsik na boses ang puhunan, nang sa gayon ay masiyahan ang mga kalahok sa Pinoy Henyo.
Andito po ulit ako muling iaanyayahan ang sambayanang Filipino na lumahok mamayang Ika-10 ng gabi sa Philippines Discord.
Simple lang naman ang tagisan ng talino na ito, parang sa Eat Bulaga lang kung kayo ay nanonood ng naturang palabas tuwing tanghali sa GMA 7. Ang pinagkaiba lang ay; ako ang kakampi niyo rito hehe.
Kaya naman muli tinatawagan ko pong muli ang mga matatalino, magaganda, at makikisig natin na kalahok na muling sumali sa tagisan ng talino.
Ang Pinoy Henyo ay may utang pa pala kay ginoong Jampol, sapagkata hindi mo naipamahagi ang nakaraan premyo. Sa kadahilanan na nagloloko ang Steemit. (HF20)
Ito po muli ako na nanawagan, kung sino man po ang may mabuting loon diyan na makapag-aambag ng papremyo sa Pinoy Henyo ay mangyari lang po na magkomento sa naturang post.
Hanggang sa muli po ulit at sa uulitin. Paalam!




I upvoted your post.
Mabuhay, keep steeming.
@Filipino
Posted using https://Steeming.com condenser site.
Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/9cdhjc7
Thank you sir
Thank you sir