SteemPH Registration | Pangalawang Pagpapakilala

Simula noon pang bata ako, napakahirap para sa akin ang magpakilala ng sarili kapag unang araw. Unang araw sa skwela, unang araw sa trabaho, unang araw sa isang organisasyon. Napangungunahan kasi ako ng kaba. At hiya. At takot. Takot na mahusgahan.

image
Pinagkunan

Pero itong pagpapakilala na ito ay iba sa mga ibang grupong sinalihan ko. Mauna ko nang sagutin ang unang tanong. Bakit ko gustong mapabilang sa SteemPH. Noong una, hindi ko naman talaga alam kung bakit. Pina-click sa akin ni @davinsh ang invite sa discord at ginawa ko naman. Mabait akong kaibigan at sinusunod ko ang mga sinasabi ng kaibigan ko. Haha. Nahihiya pa akong makipagtalastasan sa mga tao sa grupo kasi mukhang kilala na nila ang isa't isa nang matagal. Parang ang epal ko naman kung bigla na lang ako makikisali sa kwentuhan.

image
Pinagkunan

Pero nakakamangha ang karinyo ng salitang "Hi!" Yun lang ang una kong sinabi sa chat at ang palakaibigang si @twotripleow kasama nina @cradle, @stellar na pinagkamalan kong babae, at @eldean ay bumati rin sa akin. Sila ang mga pinakaunang nag-welcome sa akin sa SteemPH. Nag-umpisa sa "magandang umaga" naging "kamusta ka na." Kaya kung tatanungin ako kung bakit gusto kong mapabilang sa SteemPh, iyon ay dahil sa mga miyembro na naririto. Napakarami na para banggitin ang mga nakilala ko rito na kung tutuusin ay hindi ko pa lahat nakikita nang personal pero masasabi kong mga mabubuting tao at itinuturing ko na rin talagang pamilya.

Kabilang ako sa SteemPH Manila hub kasama ang mga naggagandahang mga dilag na sina @krizia at @monkeypattycake na nakilala ko nang personal kamakailan lang. :-)

Tatlong fun facts tungkol kay @romeskie

  1. Pangarap ko ang maging isang housewife. Gusto ko yung gigising sa umaga para magluto ng agahan, magdilig ng halaman, maglaba, maglinis ng bahay at mag-alaga ng pamilya ko. Hindi ako taong bahay noong dalaga pa lamang ako, lakwatsera akong maituturing. Pero tingin ko ay pinagsawa ko lang ang sarili ko na magliwaliw noon dahil alam kong magiging team-bahay ako sa hinaharap.
  2. Marami akong hobbies. At hindi magkakarugtong o magkakapareho ng kategorya ang mga hobbies ko. Mula sa paggigitara at pagvi-videoke (boses ipis po ako, gusto ko lang talaga kumanta), sa pag gagantsilyo at knitting, panonood ng pelikula at series (na iba-iba rin ang genre), pagsusulat at pagbabasa, paglalakwatsa, pagsali sa mga marathon (noong kapayatan ko ay sumali ako sa ilang mga 21K marathons), paglalaro ng computer games, pakikipagkwentuhan, paglalakad, pagsasayaw, pagtatanim, potograpiya at kung anu-ano pa.
  3. Sentimental akong tao. Lahat ng pinuntahan naming restawran ng asawa ko ay nag-uuwi ako ng tissue. Nakatabi lahat ng tickets ng mga pelikulang pinanood namin mula noong unang movie date namin. Pati mga regalo ng ex ko ay nakatabi sa isang kahon.

Ngayong natapos ko nang isulat itong pangalawang pagpapakilala ko dito sa steemit, parang hindi rin naman pala mahirap. Siguro dahil sa komportable na ako sa komunidad na ito at marahil ay dahil alam kong tatanggapin ako ng mga kaibigan ko rito sa steemph kahit sino pa man ako.

Charaught!

Masaya akong mapabilang sa mga makukulit at masasayang tao na bumubuo sa steemph. At natutuwa ako na dumarami pa tayo. :-)

Mabuhay tayong lahat! Kitakits sa Pinoy Henyo!

image
Ang larawang ito ay kinuha ko sa blog ni manong @oscargabat na ni-screenshot niya naman galing kay @twotripleow


Maraming salamat sa pagbabasa!


Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan


Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord


image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

Heow poehsz. 😂 Miss you Ms. Rome

Hi din Joyce!!! Amishutoo!!! :-)

Masasabi kong ikaw ay isa sa mga taong sinusundan ko, dahil sa malikhaing imahinasiyon mo nakapag-po-post ako araw-araw. Isa pa kung hindi kita nakilala ay baka hanggang kwentuhan na lang ako palagi at walang magbabago sa akin pati na rin sa estilo ng pagsusulat. Hindi lang iyon isa ka sa mga taong pinagkatitiwalaan ko.

Aww. Nakakatuwa naman @twotripleow. Hahaha. Salamat sa pagtitiwala. Hehehe.

Hi :)

Posted using Partiko iOS

Hi din! Hahaha. Kamusta? Hahaha.

Sentimental akong tao. Lahat ng pinuntahan naming restawran ng asawa ko ay nag-uuwi ako ng tissue. Nakatabi lahat ng tickets ng mga pelikulang pinanood namin mula noong unang movie date namin. Pati mga regalo ng ex ko ay nakatabi sa isang kahon.

Akong ako to! Dami tissue sa bahay! Pero dahil wala akong jowa, mga dinner dates kasama kapatid ko, co-teachers, friends pero mostly family.

boses ipis po ako

Ako man din, pero wait parang mas malala pa ako. Boses alien ata ako.

Wahaha. Natawa ako sa boses alien. Di ako naniniwala diyan. Kailangan muna ng sample! Hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.030
BTC 67621.06
ETH 3787.11
USDT 1.00
SBD 3.50