Ang Panaginip ni Jose (Isang Kwento ng Buhay sa Paniginip)
Ngayong araw ay magbabahagi ako ng pangyayari na nangyari sa kaibigan ng kaibigan ko.
Papangalanan ko ang kanyang kaibigan na Jose (hindi tunay na pangalan). Kilala ko si Jose sa lugar namin ngunit di ko alam kung tunay na nangyari ito sa kanya.
Si Jose ay nasa kolehiyo nang ito'y mangyari. May nadaanan syang mga lalaking nagii-numan ng pauwi sya galing Unibersidad. Napagdiskitahan sya ng mga lasing at binugbog ng walang rason. Gusto nyang lumaban pero mas malalaki ang mga lalaking lasing sa kanya kaya nagdasal na lang sya na tumigil ang mga ito.
Hanggang sa mapatumba sya ng isang suntok sa panga at pagkabagsak nya'y pumalo ang kanyang ulo sa sahig. Ng nakahiga na sya ay tsaka saktong may dumaan na mga nagroronda na mga tanod at nagtakbuhan ang mga lasing.
Tinulungan sya ng mga tanod na makatayo at hinabol ang mga nangbugbog sa kanya.
Si Jose naman ay di na nag-abala pa na habulin at nagmadali na lang umuwi at makapagpahinga.
Kinabukasan ay pumasok sa Unibersidad si Jose na puro pasa ang mukha. Noong araw na iyon ay may nakilala syang isang magandang babae. Di kalaunan ay niligawan at sinagot sya nito.
Nakatapos silang dalawa ng kolehiyo at agad nagkatrabaho. Ilang taon pa ang lumipas ay nagpakasal sila at nagbunga ng tatlong mga supling.
Masaya at normal na pamilya ang mayroon si Jose at sa pakiramdam nya ay kontento na sya. Ngunit isang araw ay isang aksidente ang nakapagpabago ng kanilang mundo.
Galing sila sa isang kasiyahan kasama ang kanyang buong pamilya. Kasama din nila ang pamilya ng kanyang matalik na kaibigan at silang dalawang lalaki ay nagkayayaan uminom.
Nag mamaneho si Jose habang tulog ang mga anak nya sa likod ng kotse. Ang asawa naman nya ay tulog din sa tabi nya. Tila nahawa sya ng antok at nagsimula na ring humikab at bumigat ang kanyang mata.
Nang sya ay pumikit sandali ay laking gulat nya ng may sasakyan na din sa kanilang harapan kaya agad nyang kinabig pakanan ang sasakyan sila ay bumanga sa puno.
Hindi na nya natandaan ang sumunod na nangyari.
Nagising na lamang sya ng marinig ang wang-wang ng abulansya. Bukas ang mata nya ngunit di nya magalaw ang kanyang katawan. Sa kanyang posisyon ay kitang kita nya ang kanyang asawa na duguan at walang malay, gayon din ang kanilang mga anak.
Narinig nya mga sigawan sa kanyang paligid ngunit di nya ito maunawan. Unti unting nagdidilim ang kanyang paningin. Paunti unti na din ang kanyang hininga. Hanggang sa tuluyan syang lagutan ng hininga.
Nagising si Jose sa ospital. Nasa tabi nya ang kanyang Ina at Amang umiiyak.
Sumasakit ang ulo nya at agad nyang nasapo ang telang nakabalot sa kanyang ulo.
Tuwang tuwa ang kanyang Ina't Ama ng napansin na gising na sya.
Tinanong nya ito,
"Nasaan ang asawa ko?", tanong ni Jose
"Nasaan ang mga anak ko?", tanong nya ule ng walang sumagot sa kanya.
Nagkaroon ng pagtataka sa mukha ng kanyang Ina.
"Anak anong pinagsasabi mo?," tanong ng Ina.
Di maintindihan ni Jose kung bakit di nauunawan ng kanyang ina ang tanong nya.
"Nasaan ang asawa ko?", ulit nya.
"Anak wala ka naman asawa at mga anak". takang takang tanong ng Ama nya
Anong wala? Naaksidente kami di ba? Nabunggo sa puno ang kotse namin? Kaya ako nandito sa ospital dahil naaksidente kami?
Anak. Kaya ka nandito sa ospital ay dahil nawalan ka ng malay at pumalo sa gutter ang ulo mo pagkatapos ka bugbugin ng mga lasing na tambay sa atin kahapon at ngayon ka lang nagkaroon ng malay.
"Hindi! Hindi Totoo to!", paulit ulit nyang sigaw habang nagwawala dahil hindi nya matanggap ang mga sinasabi ng kangyang mga magulang.
Hangang sa dumating ang mga nurse at doktor at sinaksakan sya ng pampatulog.
Pagkagising nya uli ay duon sya pinaliwanagan uli ng kanyang mga magulang kung ano ang tunay na nangayari.
Hindi sya naniniwala nung una ngunit wala na syang magagawa. Nagising na sya sa katotohanan. Na ang mahigit sampung taon na nangyari sa buhay nya ay hindi totoo, ito'y kasama lamang sa mga paniginip nya habang sya ay natutulog ng isang araw sa ospital.
Dumaan si Jose sa iba't ibang uri ng pagsusuri sa utak upang malaman kung mayroong komplikasyon ito.
Laking tuwa ng mga magulang ni Jose ng malaman na walang pinsala ang anak sa utak. Ngunit si Jose ay di na bumalik sa dati.
Lagi syang tahimik at mag-isa. Inaalala at tila pinagluluksa ang pagkawalay sa kanyang pamilya.
Dahil dito ay nasira ang kanyang buhay. Tumigil sya sa pag-aaral at dumaranas ng matinding depresyon.
Congratulations @mystories! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
Click here to view your Board
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Congratulations @mystories! You received a personal award!
You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!