TAGALOG SERYE: Unang Yugto ng Temang Gotiko - Mula sa Unang Pangkat
Isang mapagpalang Gabi sa inyong lahat ....
Naritong muli ang inyong likod para sa patimapalak ni toto at jun2 na nagtatago sa ngalan ni @tagalogtrail ...
"Darna! " sigaw ni Dana na nakataas ang isang kamay nakapaymay-awang at natawa upang asarin si Shiela.
"Ay.naku Dana napaka-ambisyosa mo. Dana ka at hindi mo inilunok yang kwintas." Asar na sagot ni Shiela.
"Bes naman kasi saan mo ba napulot to? Ibenta natin at baka kumita pa tayo. Sangla natin sa pawnshop ni Mang Nestor" dagdag na pangangasar ng kaibigan.
Nakasimangot na sumagot si Shiela." Mukhang pera ka talaga eh! Amina nga yan. Di ka makausap ng maayos."
"Oh! Teka2x asar talo ka agad e. Sige magkwento kana." Panunuyong tugon ni Dana.
Inilahad ni Shiela na may isang matanda ang nagbigay sa kaniya ng medalyong kulay pink ang bato. Oo pink kulay lila sa tagalog.
"Ineng ikaw ang itinakda" sambit ng matanda
"Ano ho Nay? Ok lang po ba kayo? " tanong ni Shiela sa matanda.
"Itago mo at alagaan ito " sagot ng matanda at iniabot ang isang telang pula. Umalis ang matanda habang si Shiela ay gulong gulo .
"Nay gagawin ko po dito?" Sambit ni Shiela nang mailabas ang medalyong pink ngunit nawala ang matanda.
Naiwan si Shiela na maraming tanong sa isip at syempre takot.
"Olrayt! Ibinigay na pala yan sayo, so sayo na yan. Tara na kay Mang Nestor at ibenta yan." Pang-aalaska nanaman ni Shiela.
"Ewan ko sayo Dana.Balakajan! " asar na sambit ng dalaga at iniwan ang kausap.
"Besssyy! " sigaw ni Dana pero hindi na lumingon pa si Shiela.
Alas dos na ng madaling araw pero sadyang hindi parin makatulog si Shiela. Habang minamasdan ang medalyong may pink na bato.
"Anu ba talaga ang meron dito? Mabibigyan mo ba ako ng super powers. 😋" pangangarap ni Shiela.
Nakatulog na si Shiela at nanaginip.
"Shieelllllaaaa.... shielaaaa.... " sambit na boses babaeng nasa malayo na tinatawag sya..
"Shiela! bessy bangon naglalaway ka pa!" Sigaw na may kasamang sampal na sambit ni Dana.
Pupungas pungas si Shiela at tumayo. Sumimangot ng makitang nanduon ang bestfriend nyang pilya.
"Anu bang ginagawa mo dito? Sarap ng tulog ko atsaka bakasyon hindi natin kailangan gumising maaga! " inis na tugon ni Shiela.
" Hala sya! Fiesta na at may palaro sina Mayor sa Plaza diba usapan natin sasali tayo don? Kaya mag-almusal na tayo at may luto na sina Tita at Mama." eksayted na sagot ni Dana.
"Hoy maka-Tita at Mama inyong bahay?" habol na sagot ni Shiela habang sumusunod na kay Dana pakusina.
SA PLAZA
Madaming tao.. Maingay ... Ilang banda ang lumaban para sa paligsahan ng buwayang Mayor ng Bayan. (Tama lang na ipamahagi nya ang kanyang nadudugas taon taon pero buhaya talaga kahit fiesta pinagkakakitaan parin.)
Sa kalagitnaan ng kasiyahan sa Plaza at ang lahat ay nagsasayawan. Nakabangga ni Shiela ang gwapong anak ng Buhayang Mayor. ( well ung anak nya ay hindi mukhang anak ng Buhayang Mayor)
" Ay ! Sorry Miss di ko sinasadya" sagod ni Edward
Natulala si Shiela at hindi nakasagot agad. Kinailangan pang gisingin ng alaskadora nyang kaibigan.
" Hoy Shiela! sorry daw!" pang-aasar ni Dana
" Haah! Ok lang madami din kasing tao.. sorry din .... " sagot na parang naghihintay ng pangalan ng binata.
" Edward .. ikaw anu pangalan mo?" Sagot gwapong si Edward.
" Haaaah ako?" litong sagot ni shiela (Na hindi maintindihan anung problema at parang huminto ang katinuan)
"Shiela pangalan nya at ako si Dana" sagot na maagap ni Dana (Pilya talaga)
" Oo Shiela name ko. " pahawi hawi pa ng buhok sagot ni Shiela.
" Ok sige enjoy lang kayo ah. May need lang ako asikasuhin pa." Paalam ni Edward.
" Ok sige Edward" sagot ni Shiela habang sinasabunutan si Dana na wari kinikilig.
"Aray! naman Shiela" bulong ni Dana.
Habang naglalakad pabalik ng bahay nila...
"Alam mo ikaw ang hariparot mo! kilala mo ba sinu si Edward?" tanong ni Dana
" Si Edward yung gwapo kanina" sagot ni Shiela na tulala parin
" Baliw ! anak yun butihing Mayor" Sakrastikang paliwanag ni Dana
" What?! bakit ngayon ko lang sya nakita? infairness ama nya mukhang buhaya sya parang bampira" pagkukumpara ni Shiela kay Edward ng twilight.
"sus 3x .. kerengkeng talaga sumbong kita kay Tita e." pang-aasar ni Dana.
Natapos ang buong araw na pagod na pagod ang dalawa sa pagtulong at paglalaro sa mga paligsahan. Enjoy ang Fiesta ng Barangay Pulong Diablo..
Nakatulog muli si Shiela at nanaginip na hawak nanaman ang medalyon.
" Shiela... Shiela... tulungan mo kami ayaw na namin dito .....shielaa" maraming boses ng babae and tumatawag sa kanya.
Nagising si Shiela na hawak ang medalyong PINK at kumikinang...
Itutuloy......
- Anu kaya ang ibigsabihin ng pagkinang ng Pink na medalyon? parang sailor moon ba ang powers nito o Darna ang peg?
- Anu ang kailangan ng mga boses na babaeng tumatawag kay Shiela sa panaginip? Hindi kaya hihingi lang sila ng J&J powder na pink?
- Si Edward ang gwapong anak ng Mayor na Buhaya magkikita pa kaya ulit sila ni Shiela?
- Si Dana san nga ba pinaglihi? Bakit ang kulit nya? Matakaw din ba sya?
Abangan ang mga manyayari sa Barangay Pulong Diablo..
Ating alamin ang mga susunod na manyayari sa magdudugtong ng kwentong ito. Sis @julie26 pasok!
Olrayt!!!! tama na hahahaha.. Maraming salamat sa inyong oras mga kaibigan Sana po ay inyong nagustuhan.
Bilang ng mga salita : 800 na salita
Mga Karakter
Kontrabida: Ang Bulag na Batas: taong mahigpit na ipinapatupad ang batas, at karaniwang maimpluwensya o nasa panig nya ang batas.
Ang Habulin/Pogi: lalaking magaling magpahulog ng loob ng mga kababaihan
Elemento sa Kwento na ginamit
Amulet/Anting Anting
Mga Pangkat
Unang Pangkat:
@cheche016 - Lunes
@julie26 - Martes
@rodylina - Miyerkules
@jazzhero - Huwebes
@jenel - Byernes
Ikalawang Pangkat:
@BeyondDisability - Lunes
@ailyndelmonte - Martes
@Valerie15 - Miyerkules
@jemzem - Huwebes
@itsmejayvee - Byernes
Ikatlong Pangkat:
@chinitacharmer - Lunes
@creyestxsa94 - Martes
@JassennessaJ - Miyerkules
@tpkidkai - Huwebes
@johnpd- Byernes
Haha nice, Cheche. May pagka-creepy na ang simula pero di pa rin nawala yun pagka-comedy. Sa Huwebes pa naman ako kaya hindi muna ako masyado mag-iisip haha. Enjoy ko muna. Good job po.
hello @jazzhero .. hindi pa nga yan talaga kumpleto e gustoko pa dugtungan kaso need magstop dahil uiwian na hahahaha.. mamaya ayusin ko pa mga typo
Sakto lang yan Che kasi itutuloy naman ng ibang myembro ang kwento.
Ang importante yun exciting na simula - success naman dun hehe. Naintriga na din ako sa medalyon na yan :D
Hahaha. Abangan natin ang idudugtong sis @julie26 bukas :)
Ang galing naumpisahan agad ni @cheche016 ang laban ng 3 pangkat. Kaabang-abang ang mangyayari sa mga karakter. Ang kwela pati ng pasok nila.
P.S. May mga maliliit na typo hehehe
pasenxa na po sa mga typo.. ako'y tumakas lang ng sandali sa aking amo na umalis ng medyo maaga.. akin pong aayusin mamaya pag.nasa bahay na.. :*
Ang bangis ng kwento haha kaloka ganda mod @julie26 haha gawan muna ng kasunod
Congratulations @cheche016! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of posts published
Award for the number of upvotes
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Wohoo! Kinaya natin ang isa na namang madugong hamon sister! Magaling magaling! Excited na akong maging superhero si shiela! hahaha
Galing ng umpisa mo sis @cheche016 at nadugtungan na agad to ni madam @julie26
ang galing naman @cheche.. nahihiya ako sa gawa ko hahahaha
Akala ko puro seryoso na lahat ng ng kwento ngayon dahil nga sa ibinigay na tema. Ayun may comedy pa rin pala. Hhehehe.
Ayos na rin 'yun para iba-iba ang templa ng mga kwento ng iba't ibang grupo. :)
Nice one!
Hala ano itong nauuso na ito? Ang haba na ng istorya! Hahahaha!
Hahahaha. Yiiiss at pede mong mabasa lahat na resteem na karugtong ng kwento na yan nakapost din sa wall ko..
@resteemator is a new bot casting votes for its followers. Follow @resteemator and vote this comment to increase your chance to be voted in the future!