LIHIM SA LIKOD NG MGA TITIK

in #tagalogtrail6 years ago (edited)

image

Namulat ako sa isang malamig at nakanginginig na umaga. Napukaw ang aking diwa sa bukang liwayway na ubod ng ganda. Nakatunghay sa sinag
habang nangangarap na sana'y kasing liwanag nang pagsibol ng araw ang pag-asang natitira.

Dala dala sa isipan ang mga tanong kung dapat pa ba akong umusad at ituwid ang mga gusot sa aking sumusukong patnubay.

Nanunoot sa utak ang mga pagsubok na nagdaan. Ngunit batid ng aking pag-iisip na kailangan nang putulin ang tanikalang pumipigil sa nais kong gawin - ang lumaya.

Lumaya sa lahat ng panutong dapat sundin.
Lumaya sa bawat patak ng luhang nagmumula sa mapait na pasiya na kailangan kong gawin.
Maging malaya sa sariling multo na bumabagabag at nananakot sa nakahalukipkip kong lakas ng loob.

Nagsimula akong tumindig. Gamit ang dalawa kong pang-apak na nangangalay sa tagal ng pagkakatiklop. Sinubukan kong ihakbang ang mga paang wari ko'y walang lakas upang buhatin ang katawan kong hindi kayang bumangon mula sa hagupit ng sumpa ng kapalaran.

Pabahagya, nagawa kong makawala sa kahon na nagkukulong sa aking kaligayahan. Unti-unti kong sinuyod ang maputik na landas patungo sa kapatagan kung saan naghihintay ang mga salitang gagabay sa akin sa dapat kong patunguhan.

Tinahak ko ang daan habang bumubuo nang kathang-isip na ang dulo ng walang hanggang prusisyon na ito ay simbahan. Pinipilit himayin ang guni-guni na nagkukubli sa katotohanan, habang sinasalubong ng reyalidad na lalong nagpapahirap sa kagustuhan kong ipagpatuloy ang nasimulan.

Ako'y nadapa, natisod sa inaakalang pag-asa. Sumubsob sa dumi na iniwan ng mga kahayupang naunang dumaan. Sumadsad sa magaspang na lupang tinigang. Naramdaman ko ang hapdi at kirot ng galos na gumising sa aking natutulog na kamalayan.

Hanggang sa tumambad sa akin ang isang paraiso.
Paano nga ba ako nakarating dito?
Hindi ko alam.
Hindi ko namalayan na dinala ako dito ng aking mga panlakad.

Napakaganda.

Ngunit bakit hindi ko maintindihan.
Damang dama ko ang pinaghalong mga pighati at ligayang naitala sa bawat butil ng buhanging saksi sa mga kwento ng mga paang dumampi at humalik sa bawat daluyong ng dagat na nagsilbing tagapamayapa sa damdaming hindi maikubli ang nararamdaman.

Mga paang hindi magpapadaig at magpapapigil sa kalumbayang hatid ng malupit na pagkakataon o magpapaabuso sa tagumpay matapos ang isang delubyo.

Hinugasan ko ang mga sugat. Marahan kong nadama ang mga ngiting iginuguhit ng aking mga labing uhaw sa pagbubunyi habang kasabay na bumubukal ang luhang matagal ko ng itinatanggi.

Marahil ito rin ang nadarama ng lahat ng mga katulad kong nagpamula na rito. Hindi ko maintindihan. Magulo.
Kasingkahulugan ng bawat titik na nakatala rito, ang magbibigay liwanag sa nadarama ko.




00.png
87E928C1-A498-4EA2-BE51-88AB4A5E83AF.png

Sort:  

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

Ang bigat nito! Ang tindi ng dating!

Hehehe salamat po sa pagbabasa. Epekto ng pagka-cutting sa work at pagtunganga maghapon sa coffee shop. @romeskie

Posted using Partiko Android

Hugot na hugot yung pangangarap mong makamit o maangkin ang isang bagay. Tapos akala mo ayun na, yun pala hindi pa. Okay lang yan. Ikaw si @czera. Atapang atao. Madadapa pero hindi susuko. Masusugatan pero matututo. Madadapa pero muling tatayo.

Tara. Kape! Hehehe

Ramdam kita sis. Ramdam na ramdam. Naiiyak ako habang binabasa 'to. 😭

Pinipilit himayin ang guni-guni na nagkukubli sa katotohanan, habang sinasalubong ng reyalidad na lalong nagpapahirap sa kagustuhan kong ipagpatuloy ang nasimulan.

Ako'y nadapa, natisod sa inaakalang pag-asa. Sumubsob sa dumi na iniwan ng mga kahayupang naunang dumaan. Sumadsad sa magaspang na lupang tinigang. Naramdaman ko ang hapdi at kirot ng galos na gumising sa aking natutulog na kamalayan.

Naiuugnay at napaaalala lang sa akin ng mga linyang 'to kung gaano kahirap ang pagpipilit kong makabangon.

Laban lang talaga tayo sis. 💪

Ang importante po ay nandito na tayo at nakatayo. Hindi man gaanong matatag ngunit lumalaban, mas mabuti ng ganoon kaysa ilibing ang sarili sa kapanglawan.

Salamat po sa pagbabasa. @itisokaye

Posted using Partiko Android

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by czera from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

masyadong madrama czera, di ako makarelate sorry.haha pero maganda ah, karanasan mo yata to.haha

Posted using Partiko Android

Haha may hidden message yan Ngot.
Na-decode mo ba? Hehe

Salamat sa pagbabasa @mrnightmare89

Posted using Partiko Android

hahaha mayroon ba, klaro pa sa mga paalala ni inay.haha

Posted using Partiko Android

bakit ganun
naramdaman ko yung sakit
kausap nya ako at nakatitig sa mata ko at nakikita ko sa aking hinagap ang hapdi na kanyang nais ilabas. .

Napakahusay
Nagtagpo ang panulat at papel
sa pagkakataong ito sila ay nagniig at nagbunga ng isang malikhaing akda

Thank you kuya Rafael. Happy belated birthday ulit. 😉

Posted using Partiko Android

thank you pfuh . at welcome pfuh

This comment was made from https://ulogs.org


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.



See your post featured [here](https://steemit.com/steemph/@steemph/monday-short-story-and-poetry-steemph-10-22-2018-

1c45327a543f9est) by @johnpd on Writing Monday, a community curation initiative by @SteemPh.

If you would like to support the Steemit Philippines community, please follow @SteemPh.Trail on SteemAuto

Thank you

Posted using Partiko Android