JOWA
Hello mga ka-tropa! Itong muli si @tpkidai para magshare ng isang maiksing kwento. Ang post na ito hindi pinag-isipan at isa ulit sa mga mema dahil sa wala akong maipost at para suportahan ang aking kaibigan na si ate @romeskie sa kaniyang patimpalak ito ang aking entry.
Para sa buong detalye maari mong i click ang link na ito.
Ikwento mo sa Steemit
Ang akdang nakasulat ay isa lamang Fiction
Ang mga bagay masarap kapag may kasalo. Sa tuwing may problema nakakagaan kung may ka-share diba? Kapag naman maraming pagkain, masarap yung may ka-hati dahil mas ginaganahan kang kumain.
Pero iba kapag may kahati ka. KAHATI SA JOWA.
"Hi!"
Dyan nagsisimula ang lahat sa "Hi" o "Hello" nag-message sya sa Facebook account ko at sinabing gusto niyang makipagkaibigan. Dahil sa medyo bored din naman ako sumagot ako at doon nagkaroon tayo ng mga diskusyon.
Noong una ay panay kamustahan lang hanggang sa lumalim ng lumalim na umabot sa puntong kung may syota na ba ako.
Sumagot ako ng wala, kasi wala naman talaga.
Nag-confess siya ng feelings tapos ayun singbilis ng pagkaluto ng Lucky Me Sotanghon in a Cup sinagot ko na gusto din siya.
Papahirapan pa ba natin ang isat-isa kung parehas naman nating gusto diba?
Smooth ang lahat ilang buwan tayong nag vivideo call, at pag may oras nagkikita.
Madalas nga nandun kami sa building na kapatid ni Kojic Soap para magpalipas ng magdamag. Masarap pala ang fried chicken nila doon yung sarap na uulit-ulitin mo.
Hanggang isang araw, hindi siya nagchat sympre alam kong busy din naman pero kinamusta ko siya. Dumalang ng dumalang ang pag-uusap namin sa FB. May kutob akong hindi maganda kaya binuksan ko ang FB account niya.
Sabi niya kasi palitan kami ng FB para siguradong walang taguan ng sikreto.
Ayun na nga! Ang hinala ko ay tama. May ka Hi siya ulit at Hello.
At hindi lang isa, marami kang hina "Hi" at "Hello" iba den.
Yung iba malalayo, yung iba halos taga dito lang sa lugar namin at ito pa ang matindi sa lahat. Bakit siya may inaya sa isang Court sa may Victoria.
Usapan namin noon tuturuan mo akong sumayaw na mala Jabbawockeez doon kasi nga ang tigas ng katawan ko pero iba ang inaya niya.
Sa inis ko, ini screenshot ko lahat ng mga ni Hi at Hello niya tapos ni save ko sa cellphone ko.
Dapat may ebidensya lagi para di na makakatanggi. Nagmessage ako sa FB niya sympre gamit na ang account ko.
"Babe! Date tayo kain tayo ng fried chicken"
Aba ang reply mo. Babe "sawa na ako sa manok"
Nagpaltik na ang tengga ko pero sympre kalma lang bes. Kailangan lagi lang tayong kalma sa buhay.
"Sige hahanap nalang ako ng kasama kumain ng chicken"
"Sige"
Grabe sya sa mga reply nya parang ayaw nya na talaga akong samahan hindi man lang nakakaramdam.
Kaya sa inis ko. Ni message ko lahat ng ni Hi at Hello nya at sinabing.
"Hi! jowa niya to. sawa na siya sa chicken at hindi sya magaling sumayaw. Tigilan mo na ang pakikipagchat sa kanya kungdi sisikat ka sa FB"
May mga nagreply meron din namang nagblock sa akin pero ayos lang ang mahalaga alam nila na may jowa ang inaaya nila.
Baka kasi hindi nila alam e mabuti nang alam nila diba.
Nag-away kami at hiniwalayan niya ako dahil doon. Pero hindi ako nanghinayang. Siya pa talaga ang nakipaghiwalay diba ang tinde rin.
Mas okay na ako ngayon hindi nga kita gustong ishare kaso gusto mo namang i-share ang sarili mo sa iba bakit pa kita pipilgilan diba?
Tsaka ngayon mas okay na ang lagay ko. Hindi lang fried chicken ang kinakain ko. May pa buffet breakfast na ino-offer dito sa isang building ng bago kong jowa at going strong kami sa ngayon.
Baka ang adbokasiya nya ay "sharing is caring." hahaha.
Pero tama ka naman, may mga bagay na hindi dapat i-share sa iba.
Salamat sa pagsali @tpkidkai!
Charitable institution daw siya mapagbigay sa nangangailangan.
Pero wala ayan talaga ang isang bagay na di dapat ibahagi sa iba. Imagine oh may kahati ka kay jowaers. Okay lang naman kung anak nyo na ang kahati din baka may pilosopo na mag check hahah.
ayan ung tinatawag na "tapat kung kanino matapat" nyahaha! 😂
siguro naisip din niya na hindi niya pagmamay-ari ang katawan niya kaya pwede niya ipagamit ito sa mga nangangailangan. at natawa ako sa mga banat mo pinunong @tpkidkai nyahaha! at least nakakatawa na ulit ako ngayon. salamat! 😂
Hahah walang anuman Lodi @johnpd nako wala akong maisip na magandang prompt kay ate @romeskie na kwela din. Kaya ayan nalang pwede na.
Naka relate ka ba dun sa ibang bahagi haha.
Marami ditong mga kwetsyonableng references na kelangan kong alamin sa DM haha. Masayang post ito na puro punchline pero may mensaheng mas malalim. At dahil hindi ako maka-romance namang talaga, hayaan ko na lang ang mensahe yan na lumipas lol.
Walang mensahe na ipaparating Jazz maliban sa huwag lumandi.
Marami pa akong baon na reference pero tsaka nalang pag lugaw ang karakter ko. Hahaha
Muka ka ngang hindi pinaghandaan binibining @tpkidkai!! ✌, dahil tingin ko napakahusay ng iyong akda
Nako salamat po sa inyong komento. 🙇 🙇
Sali din po kayo sa patimpalak ni ate Rome masaya po iyon. .
Binibini si tpkidkai? Akala ko ginoo? 😱
Posted using Partiko Android
Uso na yan ngayon, panay landian n kasi palabas sa TV, d n mga anime. 😁
Posted using Partiko Android