"Magsasaka"

in #teardrops7 years ago (edited)

image

Ito yung trabahong ayaw ng madla
Nakakapagod daw at maliit ang kita
Hindi daw kayang bumuhay ng pamilya,
Napakababa ng tingin ng lipunan sa kanila.
Maghapong naka bilad sa araw
Lakad ng lakad kasusunod sa kalabaw
Habang pawis ay umaapaw
Nilulunok ang laway upang mapawi ang uhaw.
Nag tatanim ng kung ano ano
Inaalagaan ang tanim upang maganda ang tubo nito
Naghihintay ng ilang buwan para dito
Ngunit Pag dating ng ani, ay halos hingin ang kanilang produkto.
May isang bata sa eskwela
Tinanong kung ano ang trabaho ng magulang nya.
"Ang magulang ko po ay magsasaka". Sagot ng bata
"Ah ganun ba? Magsasaka "lang"sila?" Sagot nya.
Bakit mo ni la"lang" ang Magsasaka?
Dahil ba ikaw ay maghapong naka upo sa opisina?
Naghihintay na matapos ang walong oras at uuwi na?
Hindi naiinitan ng araw at de-aircon pa?
Wala kang karapatan na maliitin ang magsasaka
Dahil hindi biro ang trabaho nila
At kahit pa anong yaman mo na,
Hinding hindi mo masasaing ang pera.
Hindi dapat ikahiya ang magsasaka
Dahil sila ang tunay na bayani ng ating bansa
Kung wala sila ay wala kang mahahain sa mesa
Baka mamatay kang gutom na dilat ang mata.

Photo Source:Pixoto

To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca

image
image

Sort:  

Being a farmer is a very noble job.

Nice tagalog poem

tapos na bro

sarap talaga apg pinaguran

Ako nga ay nagpaplano pano maging 100% na magsasaka. Sa ngayon, ang trabaho ko ay sa opisina ngunit ayoko na dahil gusto kong magsaka.

Hindi naman kelangang pahirapan dahil may paraan para makakita sa pagsasaka. Ang permaculture na tawag nila ay isang halimbawa.

Sana ang lahat ng magsasaka ay lumipat sa organikong pamamaraan...