Teardrops: Pride!

in #teardrops6 years ago

Para sa mga mapa-pride dyan, isipin nyo naman yung halaga ng taong nag mamahal sa inyo bago nyo gantuhin. Ang hirap ipag pilitan ang sarili sa taong ayaw naman.

Sa totoo lang, may mas better pa sa inyo. Sa tuwing ginaganto nyo ka-partner nyo, may taong nag aabang sa kanya makausap sya at pasayahin hindi kagaya ng ginagawa nyo. Yung iba nakikipag usap sa taong laging nandyan sa kanila kase dun nila nararamdaman na may halaga sila, hindi kagaya ng ginagawa mo pinag tutulakan mo sya palayo.

Yung iba naman yan ang rason kung bakit sila nag che-cheat dahil hindi mo pinahalagahan ang damdamin nya eh. Tapos mag tataka ka kung bakit sya nag loko at iniwan ka?

Tratuhin mo kase ng tama, iparamdam mong mahal mo hindi yung gaganyanin mo tapos sa huli magagalit ka bakit nag karon na sya ng iba?

Hindi ko masisise yung mga taong tinrato ng ganto at nag loko, kumausap ng ibang lalake o babae dahil kung paulit ulit ka naman talaga gantuhin eh mag hahanap ka ng pag mamahal sa iba.

Ang pagiging mapride nilulugar yan. Maging mature ka naman ayusin ang problema, hindi dapat pinapalipas ng days yan. Be a man, be a woman. Hindi na kayo bata para mag topak.

Pero para sa taong mahal ko na paulit ulit akong ginaganto, susubukan ko ang makakaya kong intindihin ka pero alam kong mapapagod rin ako.

@surpassinggoogle

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 57810.80
ETH 3056.01
USDT 1.00
SBD 2.24