Pagibig!

in #teardrops6 years ago

image
Sa pag-ibig magiging masaya ka—
Kung pipili ka ng tama.
Masasaktan ka—
Kung ikaw ang mali sa kanya.
Mawawasak ka—
Kung ibibigay mo nang maaga.
Mapapahamak ka—
Kung hindi ka marunong kumilatis ng TOTOO sa PANGGAP.
Sapagkat ang mundo nati’y puno nang mapagpanggap.
Marami-rami ang mayroong pusong * itemdalisay—
Subalit mas marami ang mga nilalang na mapang-alipusta.
Sila ang sisira sa nanahimik mong buhay.
Huwag ka papatalo—
Dahil panigurado mahuhusgahan ka.
Matuto kang lumaban—
Kung mayroong ipaglalaban...
Matuto kang sukuan sila—
Kung hindi mo na kaya.
Matuto kang mang-iwan—
Kung sa kanila’y di ka kawalan.
H’wag mo isisiksik ang ‘yong sarili—
Sa mga taong hindi ka pinipili.
H’wag mo silang pilitin na sa iyo’y tumabi—
Hayaan mo sila magdisisyon kung sa ‘yo ba sila’y mananatili.
H’wag ka magpapanggap na ayos ka lang—
Kung ang totoo’y nais mong maglaho na lang.
H’wag kang ngingiti—
Kung ang ‘yong nadarama’y pighati.
H’wag ka hahalakhak nang malakas.
Kung sa likod nito’y unti-unting inuubos ang ‘yong lakas.
H’wag mo sanayin ang sarili mo na masaktan,
maiwan, manlumo, mayamot, sumuko sa kawalan!
Maikli lang ang ating buhay sa mundo.
H’wag mong hayaang masayang ito.
Gawin mo lahat nang makapagpapasaya sa iyo.
Palayain mo na ang poot na namumuo sa ‘yong puso.
Maging malakas ka...
Magmahal kang muli...
Manalig ka kay ama...
Magsikap ka’t mangarap muli.
Maging totoo ka’t magiging tunay kang maligaya.
Magpatawad ka’t gagaan ang ‘yong kalooban.
Harapin mo nang buong lakas ang ‘yong mga kahinaan.
Ito ang nararapat at karapat-dapat mong gawin...Maniwala ka.

Thank you for dropping by!
let us all continue voting
@surpassinggoogle as proxy for witness or by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
Let us also take part in spreading and supporting #teardrops #untalented and #untalented-adjustments
image

Sort:  

Nice and funny picture .

vote support #steemgigs one love one nation

Resteemed your article. This article was resteemed because you are part of the New Steemians project. You can learn more about it here: https://steemit.com/introduceyourself/@gaman/new-steemians-project-launch

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 62300.84
ETH 2421.47
USDT 1.00
SBD 2.56