Know Me more! at Alamin ang Epekto ng Steemit sa buhay ko

in #trending7 years ago (edited)

Ngayon ay ika 22 araw ko na simula nung sumali ako sa kumunidad na ito. Hindi ko inaasahan na magsisilbi itong instrumento upang makalimutan ko ang mga bagay na dapat ko nang kalimutan.

header.jpg



Noong nakalipas na taong 2013, nakatagpo ako ng isang tao na hindi ko akalain na magkakaroon ng malaking papel sa buhay ko. Hindi ko siya nakilala sa personal ngunit sa pamamagitan ng teksto. Libangan ko lamang iyon, ang pangolekta ng mga numero ng telepono sa radyo at pagtext dito. Hindi ko alam kung ito ay tadhana ba o isang pagkakataon lamang na sa lahat ng mga numero na nakuha ko, ang kangyang numero ay nanatili pagkatapos ng ilang buwan.

Sa paglipas ng panahon, kami ay naging malapit. Nung nakuha ko ang kanyang tiwala, linigawan ko siya at naging kami. Nagbahagi kami ng mga problema at payo sa isa't isa. Kung nangangailanagn siya ng tulong, palagi akong naroon. Isang taon muna bago kami nagkita sa personal. Naging masaya kami at ang kaligayahan na iyon ay tumagal ng anim na taon.

Ngunit ang anim na taon na iyon ay hindi naging perpektong relasyon. May mga oras na naghihiwalay kami at nagbabalikan ulit.

Pero may pagkakataon talaga na naghiwalay talaga kami at ang masama pa dun ay naghanap siya ng iba. Sinubukan kung kalimutan siya pero hindi ko nagawa. Hinabol ko siya kahit na may iba na siya. Kahit nagmukha na akong tanga hinabol ko pa rin siya. Ngunit bigo ako, lalo lang tumibay relasyon nila. Pero kahit na ganun hinintay ko siya.

Pagkalipas ng tatlong buwan, naghiwalay sila.

Bumalik siya sakin at bumuo kami ng masayang relasyon. Nagpatuloy ito hanggang dumating yung oras na kailangan niyang magtrabaho sa Laguna. Sinubukan niya namang magapply dito ngunit wala dito kapalaran niya. Kaya pinayagan ko nalang siya umalis. Nangako siya na kahit malayo siya, walang magbabago. Ngunit sinira niya pangako niya, lagi na siyang abala araw-araw. Kahit isang kumusta hindi niya nagawa pero kahit ganun inunawa ko parin siya.

Noong nakaraang Abril, nagpunta ako ng Batangas para sa aking OJT. Hindi lang yun ang dahilan kung bakit ako nagpunta dun. Pumunta ako dun para sa kanya, upang makita siya. At dahil dun, naging maayos ulit ang relasyon namin. Palagi na kaming naguusap sa telepono gabi-gabi.

Ngunit nang umuwi ako, nagbago ang lahat. Lagi nanaman siyang abala. Ang ikinagalit ko pa ay nagkakausap na ulit sila ng ex niya. Nagreklamo ako, ngunit sa halip na ipaliwanag niya, nakipaghiwalay siya sakin. Pakiramdam ko nun ay ako'y ibinasura. Pagkatapos pakinabanagan ay itatapon dahil wala ng halaga.

Mahirap tlaga kalimutan ang mga bagay-bagay na nagpasaya sayo noon. Mahirap magmove.on lalong lalo na kung ibinigay mo ang lahat. Madali sabihin pero nararamdaman mo.

Simula nang sumali ako dito, nagbabago ang buhay ko. Natuto na akong mamuhay nang wala siya, ni kahit na itext o ichat siya hindi ko na ginagawa. Nagagawa ko na lahat ng gusto ko. Nakakapag-aral na ako nang mabuti at nauubos kuna lahat ng oras ko sa sarili kung interes. Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at higit sa lahat isang tunay na pamilya. Hindi ko rin namalayan na nagkamove.on na pala ako.

Untitled-2 - Copy.jpg

Image sources: 1,2,3,4

final-banner.gif

Sort:  

Welcome to Steemit @aclenx, I have upvoted and sent you a tip. Check my blogs if you are looking for tips on how to earn more Steem and SBD.

Thank you @earncrypto. Thanks for the tip.

MARTIR!!! Ahahahaha... 😆

Di sya bagay sa iyo... Meron pang karapat dapat sa iyo... Ang mabuting halimbawa ay si @arrliinn at ako hehehe... she is my wife... Ang Dios ang magbibigay na mabuting kasintahan o asawa sa iyo... 😇❤😇

ay syaaaa naman si @kennyroy... nagmahal lang si @aclenx.<3 pero may bago na siyang mahal ngayon. ang pangalan -steemit.com
hahaha

Hahahaha natawa naman ako sa steemit.com @arrliinn. Siguro nga siya na forever ko. HAhahaha

Hehe. Pwede rin naman na ang forever ay ma-meet through steemit. 😍

Bwahahahaha... meron naman sence mga sinabi ko di ba... 😆😇♨

Wow! hehe ngayon ko lang nalaman. Magasawa pala kayo hehehe.

Ahahahaha... mahusay gumawa ng blog yan... lalo na kapatid nya...

Hayun at nakamove on ka na nga at ang ganda pa ng naging outcome nang mabusy ka sa Steemit!

Haha oo nga e. mahirap talaga sa una buti nalang nahanap ko site na to.

This post has received a 0.52 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Why? I'm hurt.

Congratulations @aclenx! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of posts published

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Followed!!!, Please Follow Back

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by aclenx from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.