Hugot na Tula/Poem for Filipinos #10: Isang gabi sa Jollibee kapiling ang cokefloat, libro, fries at spaghetti

in #tula8 years ago

Image Source

Akala ko imposible
Ang mag-isa't
tumawa...
makipag-usap...
umiyak...

Akala ko imposible
Ang mag-isa
At bumuo ng tula
Sa gitna ng tawanan, sigawan at kilitian ng iba
Hindi pala.

Akala ko imposible
Ang bumuo ng tula
Sa isang baliktad na kwaderno
Gamit ang bolpen na kulay lila ang tinta.

Akala ko imposible
Ang bumuo ng tula
Kaharap ang dalawang bakanteng upuan,
Katabi ang itim na bag,
nakasandal,
tulad ng alaala ng kaibigang lumisan.

Akala ko imposible
Ang magsulat habang nagbabasa
Ang kumain habang nag-iisa
Ang tumula
sa harap ng natutunaw
na sorbetes
a ibabaw ng coca cola.

Akala ko imposible
Ang bumuo ng tula
Sa loob ng limampung segundo
Sa harap ng fries
na hindi pa nagagalaw

Sa harap ng ketchup
At nakabukas na libro
At nagtatalik na spaghetti
at sauce
sa isang plato.

Akala ko imposible
Ang mag-isa.
Ang dating tawanan
at kwentuhan
ay alaala na lang.

Ang dating mga kasalo,
ang grupo,
ay 'di na makukumpleto.

Ang tinta ng bolpeng gamit sa
pagsulat nito ay
marahil 'di na sapat
upang mabuo pa
ang tulang ito
na dati'y --

AKALA KO'Y
IMPOSIBLE.

Sort:  

nice

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by annesaya from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

This post has received a 0.45 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Coin Marketplace

STEEM 0.06
TRX 0.28
JST 0.048
BTC 69101.72
ETH 2040.11
USDT 1.00
SBD 0.50