Ulog Day 10- (08/10/18)
Hi mga kapatid :-) Kumusta na po kayo?
Gusto ko po sanang ibahagi sa inyong lahat ang aking panibagong WIP o work in progress. Kasalukuyan pong ito ang aming project ngayon. Ginantsilyong shorts po ito mga kaibigan.
Mismong orihinal ko po na pattern ang shorts na iyan. Natatandaan ko pa, mahigit 3-5 days ang lumipas bago ko siya talagang nabuo. Kahirap hirap na tastas, gawa, tastas ulit ang mga ginagawa ko. Ngayon isa na yan sa mga items na best seller sa Miami.. Ooppss pero di ako ang nagbebenta kundi ang boss namin. Gumagawa lang kami para sakanya,at binabayaran ang kada isang natapos na gawa.
Ito po yong magiging itsura niya pag natapos na po ang shorts. Tinawag po itong "sea shell shorts"ng aming boss.
Bilang isang crafter, kailangan talagang paganahin ang utak.Kahit san ka man larangan magaling, nilalagay mo talaga ang iyong puso sa bawat paggawa. Kung mahal mo ang ginagawa mo, mararamdaman din ito ng mga kliyente mo. May ibang kinang kasi silang makikita sa gawa mo. Ako naman kailangan kong mainspire bago ako makagawa ng aking orihinal na disensyo. Di ako marunung mag drawing, di ko kayang likhain ang nasa utak ko, iniimagine ko nalang kung paano ko sisimulan. Aha ang hirap lang kasi minsan di ko maachieve ang gusto kong mangyari. Pero try and try nga diba.
Salamat steemians sa pagbabasa.
Ang ganda naman! Hindi pa ako nakakabuo ng ganito sa paggagantsilyo! Magandang pagkakitaan din ang pagbebenta ng patterns na gawa mo. Pattern ba ang tawag nun sa paggagantsilyo? Hahaha. Isa ako sa mga bibili. Haha. :-)
haha. naku salamat po. Merun na po akong pattern, pero medyu di po ako confident hehe, kasi natatakot ako na pagdating sa round na medyo tagilid ehehe. ipapafinalize ko pa po ang pattern. hehe
Ayaaaan. Gusto ko yan! Hehehe