Word Poetry Challenge #12 : "KALAYAAN"
Image Source
"KALAYAAN"
KALAYAAN
Ang tanging sigaw ng bawat Pilipino
Tanong nila,
Nakalaya nga ba tayo?
Kay daming pinagdaanang pagsubok
Tumayo at hindi sumuko
Ngayo'y nagtatanong,
Kalayaan ba'y totoong nakamit ko?
KALAYAAN
Oo nga't tayo'y nakalaya sa dayuhan
Ngunit alipin naman sa sariling Bayan
Kapwa Pilipino ika'y yuyurakan
Nasaan ang Kalayaan?
KALAYAAN
Ay kayang makamit ng walang dahas
Basta't magka-isa ang lahat
Tuwid na pamumuno ay dapat isa-batas
Mapayapang pagbabago ay ating makakamtan
Katarungan, katotohanan at kalayaan.
Ang post na ito ay aking unang entry sa patimpalak ni @jassennessaj na may temang "Kalayaan". Ito ay isang patimpalak na may layong lumikha o sumulat ng isang tula gamit ang salitang Tagalog.
Maraming salamat sayo @jassennessaj.
Bigyan mo lagi ng igting ang saknong mo at higit na passion sa words na ginagamit mo mas lalo pang lalakas ang bulusok ng iyong tula!
My two cents:
KALAYAAN!
Ang MADUGONG sigaw ng Pilipino!
or
KALAYAAN!
Ang EPIKONG sigaw ng Pilipino!
Iyon bang magugulantang kami sa unang linya mo pa lang...
Ganun pa man.. My two cents lang ito...
Marami pong salamat sa pag-kritiko sa tula ko. :) Gagalingan ko pa po sa susunod. :)
Walang anuman... Tula pa more!
Congratulations @aboutart! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of comments
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP