Word Poetry Challenge #13 : "Tagalog Edition" | Pag-Anunsyo sa mga Nanalo

Magandang Umaga Makatang Pinoy!

Lubos ang aking galak sa napakaraming na sinumite ng ating mga kabayan ng "Word Poetry Challenge | Tagalog Edition" na may temang "Pilipinas". Salamat sa mainit na pagsuporta at sa pagsasabuhay ng wikang Filipino na inilalathala natin sa Steem Blockchain.

Sa totoo lang, naging sobrang hirap ang pagpili ng mga mananalo sa paligsahang ito dahil nakakaantig ang Tema ng patimpalak na ito.


2nd runner-up

@blessedsteemer

Ang bayan kong sinilangan at kinagisnan,
Lupaing masagana sa likas na yaman.
Bayang magiliw at puno ng kapayapaan,
Kaya ang bansag sayo ay perlas ng silanganan.

Word Poetry Challenge #13 : "Pilipinas" | My Entry


1st runner-up

@beyonddisability

Ang bayan kong sinilangan at kinagisnan,
Lupaing masagana sa likas na yaman.
Bayang magiliw at puno ng kapayapaan,
Kaya ang bansag sayo ay perlas ng silanganan.

"Word Poetry Challenge #13 : Pilipinas"


CHAMPION

@oscargabat

Luzon Visayas at Mindanao
Kay gagandang lugar, dito’y matatanaw
Mga dayuhan, dito’y napapa”wow”
At sa ibang bansa, ito ay nangibabaw

Word Poetry Challenge #13 : “Pilipinas”

Maraming Salamat sa Pagsuporta!


Pruweba ng Gantimpala

Maraming salamat sa suporta mga kabayan. Kung nais ninyong suportahan ang patimpalak na ito :

Maraming Salamat sa Nagbigay Donasyon sa Patimpalak na ito

@donkeypong

Paano Sumuporta sa Patimpalak na ito :

  • Inaanyayahan ko kayong magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
  • Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email ijassenn@gmail.com
  • Kung maaari I-upvote ang post na ito.

Aasahan ko ang inyong mga Entry para sa susunod na Edisyon bukas!

Sort:  

Congrats to my hubby @blessedsteemer!😊😙 ang galing talaga ng asawa ko haha,at nagpapasalamat ako kasi tinuturuan mo din ako kung paano gumawa ng tula. Congrats din sa kay ginoong @oscargabat na sinasabi ng hubby ko na alamat.😊 at kay ginoong @beyondisability congrats din at sa ating lahat na sumali sa patimpalak na ito! Mabuhay po tayong lahat!😊

Salamat mahal ko..hehe nakatsamba lang..hehe..

Isa muling karangalan ang tanghaling panalo ngayong Linggo sir @jassennessaj. Salamat po at iyo pong nagustuhan ang aking akda. Congratulations po sa ating lahat na sumali. Gayun na din kila lodi @blessedsteemer at @beyonddisability. Mga tunay kayong alamat!👏👍

Kahanga-hangang gawa. Nung nabasa ko ang iyong tula, para akong naglakbay :)

ikaw ang pinakalodi manong @oscargabat

Nakapalupet talaga ng alamat haha kongrats ..😊

sumali ang mga tunay na makata kaya di ako makapasok sa top, hsha congrats mga kasama sa serye, lupit nyo, at salamat boss jass nito, anyway may nexttime naman eh.hehe

Posted using Partiko Android

congrats sa lahat, ipagpatuloy natin ang paggawa ng mga tula..

wow maraming salamat bossing @jassennessaj.
isa po itong karangalan
congrats mga tol, manong @oscargabat para sa Kampyonato at kay boss @blessedsteemer para sa ikalawang pwesto

Salamat lodi! Galing! Alamat ka na rin hehe

sobrang salamat din kay boss @jassennessaj
ang pinakalodi sa lahat

Yey! Congrats mga kuya lodi @oscargabat @beyonddisability @blessedsteemer. :)

Posted using Partiko iOS

Salamt binibining @czera!😊

Maraming salamat po ginoong @jassennessaj sa pagkapili sa akin bilang pangatlong nanalo at nakapasa sa lebel ng iyong panlasa!😊 isang biyaya itong aking pagkapanalo para may maibahagi din ako sa mga sumasali sa simpleng patimpalak ko din hehe.. kongrats sa mga alamat @oscargabat at kay lodi @beyondisability! Mabuhay po lahat ng manunula!😊

Woah! may nanalo na uwian na. Congrats mga lodi. @blessedsteemer, @beyondisability at @oscargabat . Mabuhay kayo. Mabuhay ang Makatang Pinoy! Mabuhay ang Bansang Pilipinas!