Word challenge #19 - Ulan (Aking Entry)
Ngunit saglit lang ang pagdanas ko sa kanya,
Ngayo'y nakatingin lang... nakatunganga
Sa alapaap,
Umaasang babalik siya mula sa mga ulap,
Gagawin kong madalas
Ang pagdating niyang paminsan-minsan,
Para may kalaro ang mga pusong may tumutulo,
Tuwing siya'y paambon-ambon,
Kagalakan na ito ng puso kong Mamon,
Ngunit kadamay na siya ng malumbay na puso ko ngayon,</center)>
"rain, rain, go away,
Come again another day"
Pero pwede bang,
"rain, rain, please sway,
Come to me every day"
Ulan, ulan, dalasan mo sana ang minsan,
Para may kadamay na ang pusong may pinagdadaanan,