Word Poetry Challenge #14: Realisasyon

in #wordchallenge6 years ago (edited)

"Realisasyon"


Buhay man sa mundong ibabaw
Punong-puno ng saya na s'yang nangingibabaw
Pagsubok minsan nang-aagaw
Sa bawat sandali na umaapaw

Sa bawat araw na pagising
Isa lamang ang natatanging hiling
Sana matapos ang araw na may ngiti
Nang sa ganoon puyat ay mapapawi


Ngunit sadyang kay ganda ng buhay
Araw-araw samot saring kulay
Minsan ang araw ay nakakabuhay
Minsan din naman ito'y nakakatamlay


Sa mga pagsubok pilit mang bumangon
Sa paniniwalang ito ay nagkataon
Tibay ng loob ang dala-dalang baon
Kaya patuloy parin ang pag-ahon


Pero kung ito ay paulit-ulit nalang
Tanong sa sarili, kung Bakit naman?
Kailangan na bang bigyan ng daan
Paiiralin ang isip at bigya'ng kalayaan


Realisasyon tungo sa malaking desisyon
Ito nga ba'y karapatdapat at naaayon
Alam sa puso't isip na may nakabaon
Mga ala-ala na tanging hawak sa pagdaan ng panahon


Kinakailangan ma'ng bigyan ng tuldok
Ang sakit na di na kayang malunok
Kung sa buhay man ito'y patuloy ang pagtusok
Kailangang bibitiw at iwanan sa isang sulok


Sort:  

Napakaganda. Halatang subok at batikan kana @mhelrose. Kahanga-hangang tignan at nakakataba ng puso dahil ito'y naging parte ng #wordchallenge na nasa ika-apat pa na buwan na simula ng ito'y ilunsad.

Aasahan ko pa ang iyong mga lahok sa susunod na mga edisyon.

'Di halatang napagdaan mo na rin ang sitwasyo'ng ito Sir... Just do your best and we have our great God who is in-charge to do the rest..😊

Salamat po @jassennesaj at iyong nagustuhan. Salamat din po sa inyo at patuloy parin kayong gumawa ng ganitong klasing paligsahan.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.030
BTC 61485.38
ETH 3443.74
USDT 1.00
SBD 2.52