Word Poetry Challenge #22: Pag-Asa

in #wordchallenge6 years ago


"Pag-asa"

Katatagan ng loob mo aking nasaksihan
Pikit mata'ng iniwan kahit nasasaktan
Pilit mang itago sa kaibuturan
S'ya nama'ng namamalagi sa iyong kalooban

Sa haba ng taon na ika'y lumisan
Puso mo'y dama ang kalungkutan
Tangi'ng pangarap sa pamilya'y maisakatuparan
Kapalit ng iyong kaligayahan

Sa loob mo ay buo'ng buo
Kasama ang tibay at Pag-asa'ng namumuo
Kasama ang pamilya'ng di mo kaano-ano
Kitang-kita sakripisyo mo'y totoo

Ngiti mo man iyong pinakita
Salita mo man ay ubod ng saya
Boses mo man malakas sa tainga
Puso mo naman ramdam ang pag-iisa

Bibig at kilos mo man ay iisa
Dahil sa Puso mo'ng puno ng pag-asa
Na Darating din ang isang umaga
Bibig, kilos at puso mo'y sasaya na

OFW kayo ay pinupuri
Dakilang tao kayong itinuri
Pinamalas niyo katatagan'g di mawari
Tatag ng loob ninyo sa pagpupunyagi

Ginoong @jassennessaj at sa lahat ng mga mambabasa, ito po ang aking tampok na original na akda para sa edisyon'g ito.

At sa mga hindi pa nakasumite, Bilisan ninyo't palapit na ang itinakdang huling araw sa pagsumite ng inyong mga akda.