"Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas"



✒📜✒

"Larawang Kupas"

Katha ni: Omar G. Navarra


Pag gising ko ng maaga,
Napagtanto kong wala kana pala.
Ang hirap isipin,
Pero mahal bakit ayaw mo na akong mahalin.


Pero lagi kong sinasabi sa sarili ko na,
Di baleng masaktan ng sobra,
Ang mahalaga,
Kaya mong gumising sa umaga at simulan ang araw na wala siya.


Sa isang larawang kupas ako'y napangiti,
Dahil sa larawang ito nakasama ko ang taong aking minimithi.
Puso ko noo'y hindi pa naghahapdi,
Dahil sa napakabuti at napakalambing mong ugali.


Sa larawang kupas na ito,
Taglay ko parin ang ugaling nagustuhan mo,
Hindi ko alam sa'yo,
Pero bakit ugali mo'y nagbago.


Sa larawang kupas may naaalala akong marami,
Lalo na ang ilang linya ng kantang dati,
"Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari,
Ako yung prinsesang sagip mo palagi".


Ngunit ngayoy marami ng nagbago't nangyari,
Munti ang pagtingin na gaya parin ng dati".
Pero tila kabaliktaran ang nangyari,
Sa buhay ko sa kantang aking nawiwili.


Sana maibabalik ng larawang kupas na'to,
Ang pagmamahalan nating parang Juliet at Romeo.
Kahit malabo ng mangyari ang hinihiling ko,
Tandaan mo, mamahalin parin kita kahit wala ng tayo.


Kaya sana naman hindi mo ako makakalimutan,
Dahil sa mga araw na binigyan natin ng kahulugan at kaligayahan,
Sa puso't isipan koy binigyan ko yan ng lalagyan.
Kaya mahal, salamat sa nabuo nating nakaraan.


🌹


Salamat kay kuya @jassennessaj, dahil ang patimpalak na ito ay nakatulong sa akin upang mapahusay ko pa ang aking sarili sa paggawa ng mga tula. Nakakatulong rin ito sa mga Filipino Steemians sa pag papataas ng ating wika at bandera.

SALAMAT MGA MINAMAHAL KONG KAPWA MANUNULAT

Sort:  

Wow namugas jud ka Omar. Nice kaayooo. Especially ang last part. Dzaaa 😍

Wewwwhahaha maikog sad ko sa imuha te heheheh