Word Poetry Challenge #15 : “Pagbabalik”
Hinayaan kong magustuhan ka kahit mayroon kang iba
Umaasa pa rin ako na sana maging tayong dalawa
Dinggin sana ang pusong matagal na nangungulila
Di akalain, ako na rin pala’y iyong nagugustuhan
Sa twing kausap ka, labis ang aking kasiyahan
Di ko alam kung bakit at di ko maintindihan
Pagibig mo sa aki’y aking napapatunayan
Ngunit paano natin ito sisimulan
Kung mayroon kang kabiyak sa kasalukuyan
Para akong nanglilimos ng pagibig na inaasam ko
Sa twing di mo sya kausap, ako ang sumasalo
Ganun na lang ba ako kadesperado?
Mahal kita at yun ang kailangan kong ipaglaban
Maghihintay ako kahit ito’y masakit man,
Kahit alam kong ito’y walang kasiguraduhan
Yun ang tama kaya’t ikaw ay aking hinayaan
Araw-gabi ikaw ang laman ng aking isipan
At tanging pagbabalik mo ang dalangin at sana’y pakinggan
Nakakalungkot ngunit naramdaman ko ulit ang magisa
Nakakatakot ngunit ayokong maibaling sa iba
Ang labis na pangungulila ng puso kong nagdurusa
Isang babae na tila binigyan ako muli ng pagasa
Pigilan man ang kasiyahang nadarama
Ngunit sa aking mga mata ito ay nakikita
Naramdaman muli ang pagtibok ng aking puso
Sa ngayon, alam kong hindi na ako malilito
Pagkat ito na ang panahong pinakahihintay ko
Di mapigilan, dumampi sayo ang aking mga halik
Pagkat magpapaalam na ako sa aking pananabik
At yayakapin kita sa iyong pagbabalik
Salamat po sa pagbasa.
Malalim ang pinaghugutan mo nito alamat.😊 mahusay..💪👍
Oo nga maestro eh. Umayon ang tema.😁
Bakit may hinihintay ka ba alamat na babalik? Haha
Posted using Partiko Android
Yun ang pangako nya eh. 😂
Ah kaya naman pala..hehe parang kanta na "maghihintay ako sayong pagbabalik, nandito lang ako anuman ang mangyari ..hehe
Posted using Partiko Android
Yun nga pinapakinggan ko nung ginagawa ko eh😂
Ang lalim ng hugot. Haha
Para naman mabawasan ang dinadala kahit paunti unti.😂Haha salamat sir @jassennessaj!
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.